Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

BB Gandanghari, lalaking-lalaki pa sa throwback video ni Osang

NAG-POST si Rosanna Roces ng throwback video na kuha sa isang awards night na host silang dalawa ni Rustom Padilla.

Astig na astig pa si Rustom.  Lalaking-lalaki pa ang boses at sinasakyan niya ang mga drama ni Osang. Ipinahawak ni Osang ang kanyang dibdib na ginawa naman ni Rustom at sumubsob pa habang si Osang ay kunwaring pinakikinggan ang tibok ng puso.

Pero ngayon, ‘di na ‘yun puwedeng gawin ni Rustom o Binibining Gandanghari.

Pero at least, keri ni Rustom na magpaka-macho (as depicted in some of his action movies before) at ang pagiging mujer.

Isa rin si Rustom sa mga unang actor/celebrity o personalidad na talagang walang takot na lumabas sa “lungga” at ipagsigawan ang  tunay na pagkatao.

Enjoy na enjoy na ngayon ni Rustom sa pagiging transwoman at wala na talaga siyang balak na bumalik sa pagkalalaki.

Samantala, ang pinakahuling nag-open ay ang asawa ng international model na siJoey Mead na si Ian King na Angelina Mead King na ang screen name.

Ang maganda, tanggap na tanggap siya ni Joey at patuloy silang nagsasama.

Ang galing ‘no?

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …