NA-SHOCK si Eric Quizon sa paghihiwalay nina Zsa Zsa Padilla at ang boyfriend nito na si Conrad Onglao dahil ikakasal na lang ang dalawa. Inimbita pa nga raw siya ni Zsa Zsa na dumalo sa kasal niya.
Ang buong akala niya ay okey ang sitwasyon ng huling babae ng kanyang amaNG si Mang Dolphy. Masaya naman kasi si Zsa Zsa ‘pag nakikita niya.
Kinuha ang reaksiyon ni Eric sa presscon ng pelikula ng Regal Films na That Thing Called Tanga Na sa ilalim ng direksiyon ni Joel Lamangan. Gaganap si Eric na isang rich gay na abogado at movie fan.
Nag-text daw siya kay Zsa Zsa noong mangyari ‘yun at sinabing ‘we’re just here for you’.
Sa ngayon, nagkakausap na raw sila ni Zsa Zsa pero hindi niya masagot kung tuluyan nang naka-move on ang singer-actress.
TALBOG – Roldan Castro