TINANGGAP na ni dating pangulong Fidel V. Ramos ang katungkulan bilang special envoy na makikipag-usap sa China kaugnay ng isyu sa West Philippine Sea.
Ito’y makaraan ilabas ang ruling ng Permanent Court of Arbitration na pumapabor sa posisyon ng ating bansa.
Ginawa ni Ramos ang pagkompirma, makaraan silang mag-usap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao nitong weekend.
Sa nasabing pulong, ibinahagi niya ang kanyang mga ikinu-konsidera sa pagtanggap nang ini-alok na tungkulin.
Ngunit isa sa malaking dahilan ng ‘delay’ bago niya tinanggap ang trabaho ay ang ‘clearance’ mula sa kanyang mga doktor.
Giit ni Ramos, kaya niyang maging special envoy, ngunit dapat pa ring konsultahin ang pamilya at mga manggagamot para walang maging problema sa maselang trabaho. ( ROSE NOVENARIO )