TACLOBAN CITY – Patay ang isang mister makaraan barilin ng tatlong lalaki at pagkaraan ay halinhinang ginahasa ang kanyang misis sa Sitio Cag-Anibong, Brgy. Bagacay sa Palapag, Northern Samar kamakalawa.
Kinilala ang biktimang pinatay na si Edito Lucindo, 31, residente ng nasabing lugar.
Ayon kay Senior Insp. Joseph Aquino Quelitano, hepe ng Palapag Municipal Police Station, tumatawid ang mag-asawa sa isang sapa papunta sa kanilang sakahan nang bigla silang harangin ng tatlong armadong kalalakihan.
Pinagbabaril ng mga suspek ang biktima na nagresulta sa agaran niyang pagkamatay.
Hindi pa nakontento ang mga suspek at ginahasa ang misis.
Patuloy ang hot pursuit operation ng mga awtoridad laban sa tumakas na mga suspek.