Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

FPJ’s Ang Probinsyano, mananatili sa ere hangga’t may mga kriminal

SA teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano lang natin nakikita na regular silang nagpapapasok ng guests. Ibig sabihin, hindi lang mga mainstay ang puwedeng kumita, lahat ng kukunin nila ay kikita rin plus the chance to work with Coco Martin.

Ilan na bang malalaking artista ang nakapag-guest na sa nasabing teleserye?

Nakapag-guest na sina Anne Curtis, Angelica Panganiban, Richard Yap, Jake Cuenca, Elmo Magalona, Janella Salvador, Gina Pareno, Christopher de Leon, Nikki Valdez, Jane Oineza, Jay Manalo, Joem Bascon, Smokey Manaloto, Maricar Reyes, Ritz Azul at ang bagets na si Yogo Singh.

Kasalukuyang ipinalalabas sa serye ang guesting ni Cesar Montano at  kahit na sabihing sikat na sikat na si Coco, inamin niyang kapag kaeksena na niya si Cesar, medyo natutulala pa raw siya. Isa rin kasi si Cesar sa hinahangaang action star ni Coco.

Ang sabi ni Coco, nakatakda raw mag-guest si Vice Ganda sa Ang Probinsyano at kakaibang Vice raw ang makikita roon.

Sa Ang Probinsyano, gustong-gusto ko rin ang Ligtas Tips nila na pinaaalalahanan ni Coco ang mga mamamayan para makaiwas sa pambibiktima ng mga sindikato, modus, budol-budol , kidnapping , riding in tandem, drugs, etc. etc. na laganap sa kasalukuyan.

Mag-iisang taon nang number one sa rating ang Ang Probinsyano at sa susunod na mga gabi ay mas malalaking pasabog ang mapapanood natin.

Nagbiro pa nga si Coco na hangga’t may mga kriminal, mananatili ang kanyang teleserye sa ere.

Kamakailan ay nagkaroon ng Thanksgiving ang Ang Probinsyano at karay-karay ni Coco ang dalawang bagets na sina Onyok at Mac-mac.

Si Mac-mac ay nakilala sa Youtube bilang si Awra. Mina-manage siya ngayon niDoc Jerome Navarro ng Powercasting Management. Grade 7 na pala siya sa isang public high school sa Almanza, Las Pinas. Regular siyang pumapasok at sikat na sikat na siya sa kanilang school.   Nakatakdang gumawa ng dalawang pelikula si Mac-mac.

Hindi lang sa pag-arte magaling si Mac-mac. Napakagaling din pa lang kumanta ni Mac-mac kaya mas doble ang chance na kumita ang bagets na umaaming since birth daw ang pagiging bakla. Three years old siya nang magsimulang maglaro ng manika.

Samantala, bongga na ang nakilalang Badjao Girl na si Rita Gaviola dahil kasama siya nina Sofia Andres, Michelle Vito, Adrian Pascual ng Top Band sa pagmomodelo sa isang painting session participated by the Bulacan Artist Group.

Ayon kay Doc Jerome, magugulat na lamang daw ang publiko one of these days sa development ng career ni Rita.

Mahigit  sa 60 na ang talents ng Powercasting Management ni Doc Jerome na ang iba ay nasa ramp modeling, ang iba ay nasa TV commercials.

Congratulations

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …