Friday , December 27 2024

SAF na ang guwardya sa Bilibid

SA wakas ay magkakaroon na ng malaking pagbabago sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) ngayong 320 commandos ng PNP-Special Action Force (SAF) ang itinalaga para magbantay sa malawak na piitan, kapalit ng prison guards na hinihinalang corrupt at naging bayaran umano kaya naging maluwag sa pagbabantay sa mga bigtime na preso.

In fact, sumasampalataya tayo na magiging epektibo ang pagbabago dahil seryosong sumusunod si PNP Chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa sa mga paghihigpit na ipinatutupad ni Pres. Rodrigo “Digong” Duterte laban sa kriminalidad.

Noong Miyerkoles, tinulungan ni Dela Rosa, NCRPO Director Oscar Albayalde at ibang mga opisyal ng pulisya si Justice Sec. Vitaliano Aguirre sa pag-iinspeksyon sa NBP.

Ilang grupo mula sa Scene-of-the-Crime Operations (SOCO) ang naghalughog sa paghahanap ng kontrabando sa Building 14, na kinakukulungan ng maraming bigtime na preso.

Naniniwala si Aguirre na hindi mako-corrupt at masusuhulan ng mayayamang preso ang mga itinalagang SAF sa Bilibid. Ganoon pa man, papalitan nila ang mga nakatalagang SAF kada tatlong buwan upang hindi sila maging malapit sa mga bigtime na preso.

Tulad ng sandamakmak na surprise raids na isinagawa ng mga awtoridad sa Bilibid muling nakasamsam ng iba’t ibang klase ng patalim, pera, TV sets, signal boosters at iba pa.

Masaklap man tanggapin pero sa loob ng maraming buwan, naging malaking kabiguan ang mga guwardiya ng kulungan dahil kahit nakabantay sila ay patuloy na nakapapasok at namamayagpag ang mga armas, pampasabog, kasangkapan, alak, cell phones, sex toys at iba-ibang kontrabando sa loob ng Bilibid, lalo na ang bawal na droga.

Tinawag na nga’ng sentro at pugad ng droga ang NBP. Bukod diyan ay nakapapasok din umano ang mga bayarang babae upang magbigay-aliw sa mayayamang preso.

Nahahati raw sa dalawang malaking sindikato ng droga na kinabibilangan ng iba-ibang gang ang patuloy na namamayagpag sa loob ng NBP.

Kabilin-bilinan ni Dela Rosa sa puwersa ng SAF na huwag maging corrupt. Ang pagtanggap ng piso o kahit isang balot ng candy ay makasisira sa lahat ng kanilang pagsisikap.

Pero sa totoo lang, kailangan ang buong katapatan sa panig ng SAF na magbabantay sa Bilibid. Hindi biro kung manuhol ang mga nakakulong na damuhong “drug lords.”

Mantakin ninyong nag-aalok daw ang mga hinayupak ng P1 milyon sa prison guard para magpuslit ng isang cellphone na magagamit para maipagpatuloy nila ang transaksiyon sa ilegal na droga.

Hindi madaling tanggihan ang ganitong alok, mga mare at pare ko, kaya kakailanganin ang ibayong katatagan at tibay ng paninindigan sa panig ng ating SAF commandos.

Tandaan!

***

TEXT 0905-6767673 para sa inyong mga sumbong, puna at reklamo.

BULL’S EYE – Ruther Batuigas

About Ruther D. Batuigas

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *