Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

GMA female singers, nagsisipag-alsa-balutan na

PARANG nakaaalarma na halos lahat ng magagaling na female singers ng GMA 7 ay nagsisilipatan na sa ABS-CBN. Parang nagkaroon ng mass transfer.

Unang lumipat si Kyla, sumunod si Jonalyn Viray na ginawang Jona ng Dos at ngayon naman ay si Jaya.

Bakit kaya nagkaganoon?

Si Regine Velasquez na lang ang natitira sa kanila.

Eh mabuti si Regine, binibigyan ng sariling programa, binibigyan ng acting and hosting programs, ang iba waley. Kailangan siyempre ng iba na magkaroon ng regular income lalo na’t matagal nang wala ang SOP.

Pero in fairness naman sa tatlo, naging super loyal naman sila sa GMA. Talagang nagtagal sila sa estayon at ang pinakamatagal sa kanila ay si Kyla na napasama pa  sa last batch ng That’s Entertainment talents bilang si Melanie Canlupad. Sa tantiya ko, nag-stay si Kyla sa GMA 7 ng almost 22 years.

Sumunod si Jaya na naka-20 years na rin sa GMA and si Jonalyn o Jona ang pinakahuli. Siguro naka eight to 10 years na rin siya sa GMA bago lumipat ng Dos.

Si Jaya ay isinalang sa Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime bilang hurado.

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …