PATAY ang dating pulis na una nang nahulihan ng 100 gramo ng shabu at nadismis, nang tambangan ng dalawang riding in tandem habang sakay ng motorsiklo sa harap ng simbahan kahapon ng umaga sa Pasig City.
Kinilala ni Senior Supt. Romulo Sapitula, director ng Eastern Police District, ang biktimang si SPO1 Rolando Baltazar y Marcos, nasa hustong gulang, at nakatira sa Brgy. San Nicholas sa lungsod.
Ayon sa ulat, dakong 10:35 a.m. nang tambangan ang biktima ng apat suspek na lulan ng dalawang motorsiklo.
Bago ang insidente, galing ang biktima dakong 9:30 am sa korte sa pagdinig ng kanyang kaso kaugnay sa pagkakasangkot sa droga.
( ED MORENO )