Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

DAR binuksan ni Sec. Paeng Mariano sa publiko

PAGKATAPOS nang halos dalawang dekada, binuksan na ni Secretary Rafael “Paeng” Mariano ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa publiko.

Literal na binuksan ni Ka Paeng ang gate ng DAR sa publiko pero ito ay simbolikong pagsisimula ng nasabing tanggapan sa ilalim ng kanyang termino.

Ayon kay Kalihim Paeng, siya ay mula sa pamilya ng magsasaka, halos 30 taon na pinamunuan ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at siyam (9) taon naging kinatawan ng Anakpawis party-list sa Kongreso.

Aniya, ang tanggapan ng DAR ay para sa mga mamamayan at magsasakang pinaglilingkuran ng nasabing tanggapan. Ang lahat ng gustong pumunta sa DAR ay welcome, ayon kay Ka Paeng, maging ang mga magpoprotesta. Ikinuwento pa nga ni Ka Paeng na isang linggo bago ang Mendiola massacre noong 22 Enero 1987 ay doon sila namalagi.

Simbolikal din ang pagbubukas sa gate ng DAR dahil ginamitan ng apoy at maso bago tuluyag nabuksan.

Hopefully, maging simula na nga ito ng pagreresolba ng masalimuot na isyung historikal sa pagitan ng mga magsasaka at mga panginoong may lupa.

Nawa’y mas maging siyentipiko ang pagreresolba sa problemang ito at hindi makaluma. Hindi ‘yung tipong bibigyan ng lupa ang isang magsasaka pero walang kakayahang paunlarin ang kanyang saka. Kaya sa huli ibebenta o isasanla rin nila ang lupa.

072316 DAR farmer

Maraming pamamaraan para umunlad ang ating agrikultura na hindi kailangan maging alipin ang isang magsasaka habang ang mga landlord naman ay unti-unti nang ginagawang subdibisyon ang kanilang mga lupain dahil hindi na raw produktibo ang pagsasaka.

Sabi naman no’ng iba, wala na raw magsasaka dahil naging manggagawa na raw. ‘Yung ibang magsasaka nagbenta ng lupa para maging overseas Filipino worker (OFW).

‘Yung iba naman nagsanla pero minalas sa ibang bansa kaya hindi na natubos ang lupa. ‘Yung mga OFW sa Europa nagpagawa ng malalaking bahay sa Filipinas pero walang nakatira hanggang unti-unting nabulok ang kanilang bahay at napabayaan ang lupa.

Samot sari na ang problemang kinakaharap sa agrikultura kaya mahalagang makapagbuo ng formula kung paano muling uunlad ang batayang pinagkukuhaan ng kabuhayan sa atin bansa.

Kung wala nang magsasaka, paano na kakain ang sambayanan?! Aasa na lang tayo sa mga imported na bigas, gulay, isda, karne at baka pati itlog imported na rin.

Sa ibang bansa ang mga magsasaka ang mayayaman sa kanila ‘e bakit dito sa atin ay baligtad yata?

Ka Paeng, sa bukid kayo nabubuhay kaya higit sa lahat, kayo ang nakaaalam kung ano ang kahalagahan ng tunay na repormang agraryo para sa pag-unlad ng bawat mamamayan at ng buong bansa sa kabuuan.

Suportado ka namin diyan, Ka Paeng!

P6,000 BASIC WAGE NG BARANGAY
HEALTH WORKERS (BHWs)
ISINUSULONG NI SEN. HONTIVEROS

risa hontiveros

Kumbaga, puwede na ‘yan kaysa wala.

Pero dapat noong nasa Philhealth pa si Senator Risa Hontiveros ‘e ginawa na niya ‘yan.

E ibubulong lang niya kay PNoy at kay Roland Llamas ‘yan, tiyak aprub agad.

Kung tutuusin, Madam Senator, maliit pa rin ‘yan. Hindi ganyan ang gusto ni Secretary Judy

Taguiwalo.

Sabi nga ng Pangulong Digong, maraming puwedeng pagkuhaan ng pondo para mabigyan nang sapat na kompensasyon ang maliliit na mamamayan na nagseserbisyo sa sambayanan.

Ibig sabihin, maraming puwedeng singilin lalo na ‘yung mga hindi nagbabayad nang tamang buwis.

Noong nasa Philhealth kayo Madam Senator, puwede na ninyong imungkahi noon na bigyan ng Philhealth coverage ang community health workers pero bakit ba hindi ninyo naisip noon?

Masyado ba kayong abala sa inyong personal na buhay Madame Senator?

Sayang tuloy.

Baka kung nagawa ninyo ‘yan ‘e naging No. 2 Senator ka, next to Senator TESDAman.

Kidding aside, sabi nga ni Pangulong Digong, hindi na ninyo kailangan gumawa nang gumawa ng batas, tingnan na lang ninyo kung ano ang mga batas na hindi naipatutupad at isulong ninyo kung paano ito makatutulong sa executive and judiciary branch.

Napako-logical niyan, Madam Senator.

Research pa more, para naman maging makabuluhan ang iyong unang termino bilang Senadora.

‘Yun lang po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *