Sunday , December 22 2024
dead gun police

3 holdaper utas sa QC cops

PATAY ang tatlong hinihinalang holdaper nang makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) makaraan holdapin isang ginang kahapon ng madaling araw sa nasabing lungsod.

Sa ulat kay QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, patuloy pa ring kinikilala ang napatay na tatlong holdaper sa Maximo Viola St., malapit sa Sto. Domingo St., Brgy. Sto. Domingo, ng lungsod.

Habang ang hinoldap ng mga suspek ay si Lita Madera, 47, residente ng 71 Alcaraz St., Brgy. Saint Peter, Quezon City.

Sa imbestigasyon pulisya, dakong 3:10 am habang naghihintay ng masasakyan si Madera sa Sto. Domingo St. nang lapitan siya ng mga suspek na lulan ng tricycle.

Tumakbo ang ginang ngunit hinabol siya ng mga suspek at hinablot ang kanyang bag,

Nagkataong dumating ang nagpapatrolyang mga operatiba ng La Loma PS1 na humabol sa mga suspek.

Nang maabutan sa Maximo Viola St., imbes na sumuko ay pinaputukan ng mga suspek ang mga pulis kaya napilitan ang mga awtoridad na gumanti ng putok na nagresulta sa pagkamatay ng tatlo.

( ALMAR DANGUILAN )

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *