CEBU CITY – Biniberipika na ng Aviation Police ang posibleng koneksiyon ng isang babaeng Chinese national na nahulihan ng shabu sa Mactan Cebu International Airport.
Ayon kay Avaition Security Group-7 chief, Senior Supt. Ritchie Posadas, may ibinunyag ang suspek na si Liming Zhou sa kanila na kontak niya ang isang nagngangalang Lisa sa Cebu.
Dagdag ng pulisya, hawak na rin nila ang cellphone ng dayuhang drug suspect na pinaniniwalaang konektado sa drug lord sa Cebu.
Matatandaan, nagpahayag si President Rodrigo Duterte na may drug lord sa Cebu na labas-masok sa bansa.
Napag-alaman, apat beses nang nagpunta sa Cebu ang naarestong Chinese national mula sa Hong Kong airport.