Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Luis to the rescue kay Jessy, IG account siya na ang admin

00 fact sheet reggeeMAY notification kaming natanggap noong Sabado ng gabi sa Instagram account namin, “your facebook friend Lucky Manzano is on Instagram as senorita_jessy” na may 2M followers at pawang litrato ni Jessy Mendiola naman ang naka-post.

Nagulat kami dahil ang alam namin ay pina-follow namin ang account ni Jessy na senorita_j na may 408K followers gayundin ang IG account ni Luis na aktibo naman at pina-follow din namin na may 1.5M followers at pawang litrato rin naman ng TV host ang nakalagay.

Tinanong namin si Luis tungkol dito sa pamamagitan ng text message at sa Facebook, pero hindi kami sinagot na rati-rati naman ay sinasagot kami.

Dagdag tanong pa namin kay Luis kung official na silang magka-relasyon ni Jessy at hindi rin kami sinagot.

At may kuwento pala Ateng Maricris kung bakit si Luis na ang may hawak ng IG account ni Jessy at ipinagkatiwala nito ang password niya sa TV host.

Kuwento ng mga katotong nakausap si Jessy sa presscon ng bago nitong indie film, inamin niyang ibinigay niya ang password kay Luis para siya na ang mag-manage nito at sumagot sa bashers ng aktres.

Emosyonal daw na sinabi ni Jessy na wala siyang ginagawang masama kaya nagtataka siya bakit siya bina-bash at pinararatangang inagaw niya si Luis kay Angel Locsin.

Kaya to the rescue na si Luis na siya na ang magma-manage ng IG account ni Jessy para ipagtanggol siya sa basher.

Marami nga ang nagulat dahil first time makarinig na pakikialaman ng ibang tao o maski karelasyon mo ang social media account mo para lang ipagtanggol ka.

Ibig sabihin daw ay may relasyon na sina Luis at Jessy dahil kung wala ay bakit ganoon na sila ka-close na pati personal na bagay ay alam na ng isa’t isa.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …