Monday , December 23 2024

Coco Martin bagong “Hari ng Telebisyon” (Ratings ng action-drama series umabot na 48.8% sa rural)

TUMATAK sa televiewers ang episode ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na napanood nitong Lunes at Martes na hitik sa action scenes at drama.

Dumurog sa puso ng bawat manonood ang eksena na binaril ni Hector Mercurio (Cesar Montano) si police general Delfin Borja (Jaime Fabregas) na hanggang ngayon ay comatose pa rin sa ospital dahil  tinamaan ang vital organ ng beteranong pulis.

Patuloy na ipinagdarasal ang kaligtasan ni Lolo Delfin ng kapatid na si Lola Flora (Susan Roces) kasama ng lahat ng mga nagmamahal sa kanya.

Ang apo namang si Cardo Dalisay (Coco Martin) ay nakikipagtuos kay Hector. Pinuntahan niya ang kinaroroonan ng nagrerebeldeng pulis na kumitil sa buhay ng kapwa nila pulis.

Sa tulong ni Meg Imperial, agad natunton ni Cardo si Hector at matindi ang paghaharap at bakbakan ng dalawa. Nag-dialogue pa ang huli na hindi siya susuko at pahuhuli nang buhay sa batas.

Samantala among our actors, sa heneras-yong ito ay tanging si Coco Martin ang may hawak ng record ngayon ng pinakamaraming ginawang teleserye sa Kapamilya na pawang naging number one sa ratings game at timeslot ng ABS-CBN Primetime Bida.

Ang kasalukuyang action-drama serye ng sikat na aktor ay umabot sa 48.8% ang rating sa rural, 38.7 sa Metro Manila at sa nationwide ra-ting ay 44.1%.

Iyan ay base sa datos ng Kantar Media noong July 15. Sa episode nila noong July 18 (Monday) at July 19 (Tuesday) katapat ang bagong Fanstaserye ng kabilang network ay nagkamit ng ra-ting na 42.4% at 44.2% kontra sa kalabang show na nakakuha lamang ng 21.0% (pilot episode) at 19.- 6%.

Kaya sa lawak ng fan base ni Coco sa buong mundo at paghahari sa mundo ng local television ng bagong henerasyon, tatlong titulo ang naibi-gay sa prime talent ng Dreamscape Entertainment kabilang ang Teleserye King, Primetime King at Idol ng Masa.

Puwede na rin igawad ngayon kay Coco ang titulong “Hari ng Telebisyon!” Bukod pa riyan tinatawag rin siyang Box Office King at King of Commercial.

Hindi lang popular ang mga TV show ng Kapamilya actor na nagkamit na ng iba’t ibang awards, kundi kilala rin sa pagbibigay ng moral values sa mga manonood.

Super bait at matulungin pa ang actor na ito gyud!

MAGKAPATID NA HARLENE AT HERO VERY
SUPPORTIVE SA KANILANG MAYOR KUYA HERBERT,
Bistek muling pinaligaya ang Entertainment
press sa kanyang birthday treat

072216 Harlene Hero peter

Sa bagong bukas na Salu Resto sa Scout Torillo ng mag-asawang Harlene Bautista at Romnick Sarmenta, na ang specialty ay Pinoy foods, idinaos ang birthday treat o blowout ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa mga minamamahal na entertainment press.

Kasabay na rin ang  birthday celebrators mula  buwan ng Abril hanggang Hulyo na umabot sa 50 reporters. Siyempre susunod na riyan ang may birthday ng August hanggang December this year.

Imagine, kahit kasalukuyang nasa abroad si Mayor Herbert ay hindi niya kinalimutan ang pagse-share ng blessings.

Tuloy ang treat niya na kanyang ipinamahala sa trusted loving sister na si Harlene na kilalang malapit rin sa press at may bonus pa dahil naki-saya rin sa okasyon ang mister ni Harlene na si Romnick Sarmenta at utol na si Councilor Hero Bautista.

Magiliw na nagpa-interview si Harlene na carbon copy ng kanyang namayapang Mommy Baby. Saman- tala, makikita ang excitement sa lahat dahil sa pagpapahalaga sa bawat isa ng mga Bautista.

Bukod sa very sumptuous dinner na inihanda at yummy drinks ay may photo off pa with matching birthday cake ang bawat grupo kina Harlene, Hero at Romnick at may photo booth pa para sa mga gustong magpakuha ng souvenir.

Wala talagang kasing-saya ang blowout sa bawat batch ni Bistek na sobrang na-appreciate ng lahat ng reporters kabilang ang inyong columnist. Bale pangatlong taon na itong ginagawa ng butihing alkalde ng Kyusi.

Mayor Bistek, from the bottom of my heart maraming salamat sa iyong generosity gyud!

HARAPAN NG ALDUB AT DJ SAK NOEL SA TRUMPETS CHALLENGE

Ngayong Sabado sa Eat Bulaga

Ngayong Sabado, July 23, ating kilalanin ang mga grupong maghaharapan sa Grand Finals ng isa sa hit na segments sa Eat Bulaga na “Trumpets Challenge” kabilang na ang Runcav Movers.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 37th anniversary ng nasabing longest running noontime variety show ngayong July 30, fresh from Europe ay darating ng bansa ang Deejay na nasa likod ng tagumpay ng latest hit dance moves na Trumpets na si DJ SAK Noel na naging  viral sa Youtube.

Maghaharap sa isang dance challenge at makakasama ni SAK sa production number ang phenomenal love team na sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Ngayon pa lang ay pareho nang excited ang ALDUB sa once in a lifetime na event na mangyayari sa kanilang prospective career.

Kaya’t Dabarkads sabayan nating lahat sina Alden, Maine at Sak sa pagsayaw at paggiling nila ng Trumpets. Kilalanin rin sa araw na ito ang mga pasok na young ones sa championship ng Lola’s Playlist Grand Finals.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *