CAGAYAN DE ORO CITY – Arestado ang isang construction worker na isinangkot sa 14 bilang ng kasong rape sa kanyang tatlong anak na babae sa Brgy. Balubal, Cagayan de Oro City.
Kinilala ang suspek na si Alex Padilla, 52, nakatira sa nasabing lugar at nagtatago sa Brgy. Lunucan, Manolo Fortich, Bukidnon.
Sinabi ni Puerto Police Station deputy commander, Insp. Gumer Ladera, inaresto nila ang suspek batay sa inilabas na warrant of arrest ng korte nitong lungsod.
Inihayag ni Ladera, lahat ng mga biktima ay menor de edad pa lamang at ginahasa ng suspek ilang taon na ang nakalilipas.
Bagama’t nakahandang harapin ng suspek ang mga kaso, mariin niyang itinanggi na ginahasa niya ang kanyang mga anak.