IPINA-RECALL ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang dalawang labor attaches sa ibayong dagat dahil sa kapabayaan sa trabaho.
Kabilang sa pinababalik ng bansa ang mga nakatalaga sa Riyadh at Jeddah, Saudi Arabia.
Kinilala ang mga ipina-recall na sina Labor Attache Jainal Rasul Jr., at Labor Attache Rustico dela Fuente.
Bagama’t tumanggi na DOLE chief na ilahad ang eksaktong dahilan ng recall, lumalabas na may reklamong ipinarating sa ahensiya na hindi natugunan ng nasabing mga opisyal.