Monday , December 23 2024

Makupad na hustisya kay GMA

ANG bentaha sa pagkakakulong ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo, ang kanyang asawa ay kabilang sa maimpluwensiyang buena familia.

Kaya kahit politikal ang dahilan ng hospital arrest niya sa loob ng anim na taon, masasabi nating hindi siya nakaranas ng pang-aabuso, pambabastos o paninikil mula sa mga pulis na nakatalaga para siya ay bantayan.

Baka nga nakapag-established pa siya ng rapport sa kanila at sa darating na panahon ay magsasalita na ‘mabuti’ o ‘mabait’ na tao si GMA at biktima lang siya ng politika.

Ang disbentaha, kitang-kita na napakabagal ng hustisya sa ating bansa.

Mantakin ninyong makulong sa loob ng isang kuwarto sa isang ospital sa loob ng anim na taon nang walang sapat na dahilan?

Wattahek!

Matagal na nating tinalakay sa ating kolum na ang asuntong Plunder laban kay GMA ay mahina.

Bukod sa mahina ang mga ginamit na basehan sa pagsasampa ng kasong plunder, lalo pa itong pinahina nang payagan mismo ng Sandiganbayan ang kanyang mga kaasunto (PCSO officials) na maghain ng piyansa.

Pero ang dating Pangulo ay hindi hinayaang magpiyansa…

Bakit!? High risk ba siya?

Hanggang ngayon hindi pa rin nasasagot ang tanong na sino ba talaga ang may discretion sa paglalabas ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)?

Hindi ba’t mayroong mga opisyal ang nasabing ahensiya?! E di sila ang unang dapat managot?

Pero bakit hindi lahat?!

Diyan natin mapatutunayan, hindi talaga puwedeng husgahan ang isang tao.

Si Pangulong Rodrigo Duterte na kinaiinisan ng alta sosyedad dahil palamura, macho, brusko at inakalang walang respeto sa babae ay instrumento ngayon ng ‘paghihilom’ at tila ‘adhesive’ para sa pagkakaisa ng bansa.

Nawa’y magtagumpay si Pangulong Digong sa pamumuno sa ating bansa sa konseptong pluralismo o pagbibigay ng puwesto sa lahat ng political group — from rightist, ultra rightist, leftist, centrist, social democrats, Christian democrats, Lumads, Moro etc.

Sa simula pa lang, sinabi niyang hindi siya magiging benggador.

Kaya naman ang kanyang unang hakbang, tanggapin sa kanyang Gabinete si VP Leni Robredo.

Kung hindi niya kaya binigyan ng puwesto sa Gabinete si Leni, maging maluwag kaya ang pagtanggap nila sa pagpapalaya kay GMA?!

Baka nanguna pa sa pagra-rally si PNoy at Roland Llamas. At malamang magdadadakdak sa Senado si Risa Hontiveros.

Hindi talaga natin kailangan ang immature, spoiled brat at kapos sa karanasang presidente.

Ang kailangan natin ay hinog na lider at hindi mapakla, kahit sitenta anyos na, ang importante may wisyo sa pagdedesisyon.

Ang pagpapalaya kay GMA ay isang hakbang para sa paghihilom…

People of the Philippines, let’s move on!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *