IGINAGALANG ng Malacañang ang desisyon ng Korte Suprema na nagbabasura sa plunder case ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay sa P366 milyon Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) funds.
Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, nagsalita na ang High Tribunal kaugnay sa plunder case ni Arroyo kaya dapat irespeto ito.
“The Supreme Court has spoken. The Supreme Court, voting 11-4, acquitted former President and now Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo in connection with charges that she misused funds of the Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Let us respect and abide by the High Court’s decision,” wika ni Andanar.
Ibinasura ng mga mahistrado sa botong 11-4 ang plunder case ni Arroyo kaugnay sa sinasabing pakikipagsabwatan sa matataas na opisyal ng PCSO para lustayin ang pondo ng ahensiya.
Halos apat na taon nang naka-hospital arrest si Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) mula noong Oktober 2012.
Naghain ng petisyon ang kampo ni Arroyo sa Korte Suprema para sa ‘ demurrer to evedince’ at ang pagbabasura sa kasong plunder na isinampa laban sa dating chief executive.
Mula nang kasuhan ng plunder ng administrasyong Aquino si Arroyo, ni minsan ay hindi nagkaroon ng pagdinig ang kaso samantala ang sinasabing mga kasabwat o kapwa akusado niya ay matagal nang pinayagang magpiyansa ng Sandiganbayan.
Naniniwala si Presidential Peace Process Adviser Jesus Dureza na naigawad na ang hustisya kay Arroyo.
“Justice has been served. We talk on the phone on my way here. I congratulated here. I am so elated,” ani Dureza na nagsilbing Press secretary sa administrasyong Arroyo.
( ROSE NOVENARIO )