PINAPLANTSA na ng Palasyo ang pansamantalang pagpapalaya sa nakapiit na matataas na kasapi ng Communist Party of the Philippines (CPP) na lalahok sa peace talks sa Agosto 20-27 sa Oslo, Norway.
Sinabi ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza, inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kinauukulang mga ahensiya ng pamahalaan na ayusin ang mga dokumento para sa pansamantalang pagpapalaya ng political detainees na bahagi ng peace panel ng rebeldeng komunista.
Bahagi aniya ito sa nilagdaang ‘Roadmap to Peace’ na magiging behikulo para makamit ng kapayaan sa sa bansa.
Ayon kay Dureza, isasailalim pa rin sa proseso ng korte at aantabayanan ang ano mang desisyon para sa hindi na pinangalanang political detainees .
Ngunit paglilinaw ni Dureza, kailangan harapin ng mga detainee ang mga kasong isinampa laban sa kanila.
Lahat nang bubuo sa peace panel ng rebeldeng komunista ay saklaw ang Joint Agreement on Security and Immunity Guarantees (JASIG).
( ROSE NOVENARIO )