Monday , December 23 2024

DFA Sec. Yasay ‘di sisibakin — Duterte

HINDI sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Foreign Affairs Secretary Perfecto Jr. taliwas sa mga ‘tsismis’ na mawawala na siya gabinete.

“I would like to arrest a few rumors going around that Secretary Yasay of the Department of Foreign Affairs (DFA) is on his way out. I would like to assure the Secretary that he is in good company and there is no truth to the rumor that there is a plan for his ouster, far from it actually,”  sabi ni Duterte sa isang video message kahapon.

“Sana matapos na iyang haka-haka,” dagdag ng Pangulo.

Nilinaw ng Pangulo na buo ang kompiyansa niya kay Yasay at ano man ang sabihin ng kalihim ay awtorisado niya.

“Yasay speaks for me. Everything that he says in public both national and international comes from my guidance. And he has my backing and full support. And I said, I place my entire trust in him to take care as being the spokesman for our foreign affairs,” dagdag niya.

Ayon sa Pangulo, personal niyang pinakiusapan si Yasay na magsilbi sa kanyang administrasyon dahil tiwala siya sa kakayahan at bilib siya sa katapatan.

“I would like the Philippines to know that I personally pleaded with Secretary Yasay to join the government because he us competent, honest, and he knows his business. He has a professorial job on the western side of the United States,” sabi ng Pangulo.

Matatandaan, si Yasay, bilang komisyoner ng Securities and Exchange Commission (SEC), ang nagbulgar sa stock market manipulation ni noo’y Pangulong Joseph Estrada na nagbigay daan sa pagkakatalsik niya sa Palasyo hanggang mahatulan sa kasong plunder.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *