Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco inilampaso sa rating na 42.4 % ang katapat na show

ANG FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin pa rin ang nanguna noong Lunes sa tapatan nila ng bagong lunsad na show sa kabilang network.

Pumalo sa rating na 42.4% ang action-drama series ni Coco sa episode nila na may hashtag na #FPJAPUltimatum kontra sa kalabang fantaserye na nakakuha lamang ng rating na 21%.

Well marami kasi ang nag-aabang sa death scene ni police General Delfin Borja (Jaime Fabregas) na lolo ni Coco o Cardo sa serye na binaril ni Hector Mercurio (Cesar Montano) habang masayang ipinagdiriwang ang kaarawan sa bahay ng kapatid na si Lola Flora (Susan Roces) kasama ang apong si Cardo, Onyok, Macmac at mga kasamahan nila sa serbisyo atbp.

Nakadudu rog talaga ng puso ang tagpong ito. Naghihiganti kasi si Hector kay Cardo, dahil hindi niya nailigtas ang asawa sa isang enkuwentro sa mga rebelde. Na-ngako kasi si Cardo na ililigtas niya pero nabigo siya dahil pinagbabaril ng mga kalaban.

Masyadong masakit para kay Cardo ang nangyari sa kanyang Lolo Delfin at alam niyang ang kasamahang pulis na si Hector ang may gawa nito kaya galit na galit siya at uumpisahan na niya ang pagbibigay hustisya sa pagpaslang sa kanyang Lolo.

Sa paghaharap nila ni Hector ay ilalagay na ni Cardo sa kanyang mga kamay ang batas. Mapabagsak kaya niya si Hector?

Abangan ang kaabang-abang na labang ito ni Cardo na justice for lolo Delfin sa pagpapatuloy ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng TV Patrol.

Umaatikabong action scenes gyud!

TENTEN BIGLANG YAMAN SA “DOLCE AMORE” SERENA INIWAN NA NI GIAN CARLO

Sa kaisa-isang anak na si Tenten (Enrique Gil) ipinamanang lahat ni Techie Agbayani ang lahat ng kanyang mga property sa bansa at Italya.

Kaya biglang-yaman ngayon si Tenten na pati negosyo ng pamilya ni Serena (Liza Soberano) at kompanya ng pamilya ni Gian Carlo De Luca ay mukhang mapupunta lahat sa binata.

Hindi makapaniwala si Serena sa biglaang pagbabago ng kapalaran ng lalaking mahal na dine-deadma siya dahil sa pang-iiwan niya rito.

Pero sa pamamagitan ng Nanay Taps (Rio Locsin) at Tatay Dodoy (Edgar Mortiz) ni Ten na isinama niya sa kanyang business at pleasure trip sa Italy at Daddy ni Serena na si Roberto (Ruben Maria Soriquez) ay mukhang maibabalik ang dating magandang pagtitinginan at samahan ng dalawa na pinaghiwalay at ngayo’y pinagtagpo ng tadhana.

Samantala masaya ang LizQuen loveteam at lahat ng co-star nila sa “Dolce Amore” ganoon na rin ang Star Creatives dahil consistent ang mataas nilang ratings gabi-gabi sa ABS-CBN Primetime Bida. Umeere sila  pagkatapos ng FPJ’s Ang Pro-binsyano.

Last July 18 ay humamig ang Dolce Amore ng 35.9% rating base sa datos ng Kantar Media National TV Ratings.

Sa Trumpets Challenge ng Eat Bulaga
TUMATAGINTING NA 35K, PUWEDENG MAIUWI NG DAILY WINNER

Ang lakas ng dating at patok na patok ngayon sa Dabarkads viewers ang “Trumpets Challenge” ng Eat Bulaga  na pagalingan nang pagsayaw at paggiling ng latest viral dance moves na ito.

Araw-araw ay dalawang grupo ang

magtatapat at ang mapipiling daily winner ay mananalo ng tumataginting na 35K at may consolation prize naman para sa natalong group.

Animo’y mga professional dancer ang sumasali sa nasabing hit na segment kaya naman ang sarap nilang panoorin habang sumasabay sa popular na Trumpets nina Sak Noel at Salvi ft.

Ang phenomenal loveteam na sina Alden Richards at Maine Mendoza ang dalawa sa host nito at nasa semi-finals na ang dance challenge contest.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …