HINDI mangingimi si Pangulong Rodrigo Duterte na araw-araw bigyan ng pardon ang mga pulis at militar na kinasuhan dahil sa pagganap sa tungkulin basta magsabi lang sila nang totoo.
“Ipitin ninyo ako. Gano’n ang mangyari. I will not hesitate to pardon 10, 15 military and policemen everyday. O, magreklamo… E nandiyan sa Constitution e. Pardon,” ani Pangulong Duterte sa reunion ng batch 71 at 72 San Beda Law School sa Palasyo kamakalawa.
“‘Wag kayong mag-imbento. Do not fabricate evidence. I will hear you. And if you’re telling the truth, sabihin mo ako. Utos ni Mayor Rody. Sabihin mo riyan sa judge, sabihin mo riyan sa piskal, sabihin mo sa Ombudsman, sabihin mo sa Human Rights. ‘Wag mong sabihin sa akin kasi alam ko na. Just come to me. Why? Meron akong nakita sa Constitution. Just my… itong panlaban ko: The right or the power of the president to pardon,” sabi ng Pangulo.
( ROSE NOVENARIO )