Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
the who

Mayor ng Rizal benggador sa ‘di kaalyado?

THE WHO ang isang mayor sa lalawigan ng Rizal na benggador o mapaghiganti sa mga ‘di niya kapanalig sa politika?

Kuwento ng Hunyango natin, itago na lang sa pangalang “Rude Politician”si Yorme or in short RP dahil sukdulan daw kong magtanim ng sama ng loob sa mga ‘di niya kaalyado

Ganern?!

Tip sa atin, muling tumakbo sa pagka-alkalde si RP nitong nakaraang halalan at nanalo naman siya pero ipinagpuputok ng butse niya ang ‘di pagsali sa line-up ng isa niyang kaanak na tumakbong konsehal.

In other words, sa kalaban sa pagka-mayor tumiket ang kalahi ni RP!

Ganyan naman sa politika walang kama-kamag-anak, walang kai-kaibigan!

Boinks!

Ang nangyari nga minalas si kamag-anak at nanalo naman si mayor pero ‘di pa pala tapos ang laban dahil naghihintay lang siya ng tiyempo para makaganti.

Har har har har har har!

Bitter!

Sumbong sa atin, nabigla na lang daw si kamag-anak ni mayor nang iparating sa kanya na kasama ang kanyang pangalan sa mga drug pusher na inilista ng kanilang barangay para isumite sa PNP-Rizal!

Hala lagot!

Dahil dito, napasugod si kamag-anak sa barangay hall para kuwestiyonin ang pagkakasangkot nito sa ilegal na droga samantala galit na galit nga siya rito!

Pagdating sa barangay hall, galit niyang hinarap at tinanong kung sino ang naglagay ng kanyang pangalan sa listahan ng mga sangkot sa illegal drugs.

Mangani-ngani nga raw manapak e!

Wahahahahaha!

Isang kagawad naman daw ng barangay ang naawa at  pasimpleng bumulong kay kamag-anak na sinasabing si Mayor ang nagpalagay ng kanyang pangalan!

Naloka na!

Naku naman ayor grabe kang bumawi!

Talagang gusto mong masangkot sa shootout si kamag-anak ha!

Natalo na nga e!

Heto na nga ba ang sinasabing gagamitin ng ilang likong politiko at pulis para sa kanilang personal na interes ang kampanya ni Pangulong Digong laban sa ilegal na droga.

To make the long story short nagawang malinis at maipabura sa listahan ng barangay ang pangalan ni kamag-anak!

Abangan may kasunod pa!

THE WHO? SCANDAL – ni Jethro Sinocruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …