Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

3 niratrat sa pot session, 1 patay (Nag-amok na tulak tigok sa parak)

PATAY ang isang lalaki habang sugatan ang dalawa niyang kasamahan makaraan pagbabarilin ng dalawang hindi nakikilalang mga suspek na pinaniniwalaang grupo ng vigilante, habang ang mga biktima ay bumabatak ng droga sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Agad binawian ng buhay si Paul Christian Flores, 19, ng Phase 1, Package 1, Block 35, Lot 4, Bagong Silang, habang nilalapatan ng lunas sa Jose N. Rodriguez Hospital ang dalawa niyang kasama na sina Bernie Ortega, 20, ng Phase 8, Package 3, Lot 4, at Edilberto Dela Rosa, 39, ng Phase 9, Package 11, Power Line, pawang ng nasabing lungsod.

Habang patuloy ang follow-up investigation n ng mga pulis upang matukoy ang pagkakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa pamamaril sa mga biktima.

Sa nakalap na ulat mula kay Caloocan Police chief, Senior Supt. Johnson Almazan, dakong 6:00 am nagpa-pot session ang mga biktima sa loob ng bahay na pag-aari ng isang Jay-ar Balentong na ginagawang drug den sa Phase 9, Package 1, Power Line, Bagong Silang nang dumating ang dalawang armadong suspek na nakasuot ng gas mask.

Agad pumasok ang mga suspek, pinagbabaril ang mga biktima at mabilis na tumakas lulan ng motorsiklo.

( ROMMEL SALES )

NAG-AMOK NA TULAK  TIGOK SA PARAK

PATAY ang isang tulak ng droga makaraan makipagbarilan sa mga pulis sa Quezon City kamakalawa.

Ang suspek na si Jay Sta. Maria, ng Grgy. Balingasa ay nauna nang sumuko sa pulisya noong nakaraang linggo sa ipinatupad na ‘Oplan Tokhang’ ngunit nagpatuloy pa sa pagtulak ng droga.

Napag-alaman, nagresponde ang mga pulis sa bahay ng suspek makaraan ireklamo dahil sa pagwawala ngunit pagdating ng mga awtoridad ay agad nakipagbarilan na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Samantala, binaril sa loob ng kanyang bahay sa Batasan Hills Quezon City ang biktimang si Virgilio Buadilla habang natutulog.

Hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang suspek sa insidente ngunit idiniing kilala ang biktima na tulak din ng droga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …