Friday , November 15 2024

Saan tayo tatakbo kung tuluyang hindi na pinapansin ang karapatang mabuhay?

MARAMI na ang napapatay na pinaghihinalaang tulak ng droga sa lilim ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa mga sindikato ng bawal na gamot.

Wala tayong tutol sa kilos ng pamahalaan laban sa lahat ng uri kriminalidad. Gayon man ay hindi ko maialis sa aking sarili na magalala na maaring maging bahagi na ng ating kultura ang walang habas na pagpatay ng tao.

Nakapagingilabot na aagos ang dugo dahil sa dami ng mapapatay sa lilim ng kultura ng kamatayan at karahasan.

Higit pang nakapangangamba kapag hindi na lang mga kriminal ang pinapatay kundi yung mga inosente na nakursunadahan lamang o mga kalaban sa politika ng mga nasa poder.

Ang batas ay naandyan para protektahan ang lahat ng mga mamamayan pero sa nangyayaring ito ay nababaliwala at nawawalan ng silbi ito. Saan tayo tatakbo para sa proteksyon kung tuluyan na nating babaliwalain ang mga batas lalo na ang due process para sa mga inaakusahan?

* * *

Haaayyyy nakapapagod ng isulat ito pero hindi pa rin kasi kumikilos hanggang ngayon ang lokal na awtoridad ng Lungsod Quezon kaugnay ng paghambalang nang mga sasakyang pribado, lalo na kung gabi, sa kahabaan ng Congressional Avenue, mula sa kanto ng Luzon Avenue hanggang sa EDSA.

Saksakan ng suwerte ang mga establisimiento sa lansangang ito kasi lumalabas na ginawa ng pamahalaan gamit ang salaping bayan ang nasabing daan para may maparadahan ang mga customers ng mga establisimiento sa langsangang ito. Aba, nagpapagawa pala ng daan ang pamahalaan gamit ang buwis ng bayan para ipagtayo lamang ng parking lot ang mga establisimientong ito.

Dahil pera ng bayan ang pinakikinabangan ninyo, lalo na kung gabi, ay dapat na singilin kayo ng pamahalaan.

Ang bayad ay para sa perhuwisyo at panganib na dulot ng mga kliyente ninyo na illegal na pumaparada sa kalyeng ito.

* * *

May coup sa Turkey.

Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang aking bagong e-news website, www.beyonddeadlines.com

Ang website na ito ay maglalaman ng mga malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pa na mahalagang impormasyon para sa pang-araw-araw nating buhay.

Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Pakikalat ang balita tungkol sa www.beyonddeadlines.com Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyo na maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy.  Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort? fref=ts para sa karagdagan na impormasyon o reserbasyon.

USAPING BAYAN – Nelson Flores

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *