KRITIKAL ang kalagayan ng isang 42-anyos lalaki makaraan hatawin ng martilyo ng kanyang tiyuhin kamakalawa ng hapon sa Navotas City.
Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Jesus Reyes, walang trabaho at residente ng Block 36, Lot 32, Phase 1A, Asohos St., Brgy North Bay Boulevard South (NBBS).
Habang nadakip ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 3 sa follow-up operation kamakalawa ng gabi ang suspek na si Tranquilino Parrocho, 72, residente rin sa naturang lugar, inamin ang paghataw martilyo sa kanyang pamangkin dakong 2:30 pm.
Ayon sa suspek, nagawa niyang hatawin ng martilyo ang pamangkin dahil hindi siya pinayagan ng kanyang kapatid na ina ng biktima na gumamit ng palikuran.
Napag-alaman, pinalayas ng ginang ang suspek makaraan ireklamo nila ng pagnanakaw ng kanilang gamit noong Abril 2.
( ROMMEL SALES )