Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Osang, magpapabawas ng boobs

ISA si Rosanna Roces sa unang mga artista na ‘di ikinahihiyang may ipinabago sa katawan. Noong araw kasi, parang taboo kapag nalaman ng publiko na nagpagawa ng ilong o dibdib. Pero ngayon, normal na ito at halos lahat yata ng artista ay may ipinabago sa kanilang katawan.

Muling sasalang si Osang for liposuction dahil gusto niyang maging magandang-maganda at sexy siya sa araw ng kasal nila ni Blessy Arias. Ipatatanggal na rin daw ni Osang ang kanyang breast implant.

Samantala, aligaga na ang mag-partner na Rosanna at Blessy sa kanilang kasal. Halos kompleto na ang mga gagamitin nila tulad ng wedding gown at ang magme-make-up kay Osang. Mayroon na ring magke-cater at iba pa.

Pero paano kaya papayat si Osang eh, ang hilig kumain? Kung ano ang gusto niyang pagkain, binibili agad ni Blessy. Ito ang nakikita namin sa ilang post ni Osang sa kanyang Facebook account.

Hataw SuperBodies 2016, sa July 30 na!

SA July 30 na ang Hataw SuperBodies 2016 (Year 9) na gaganapin sa Music Hall, Metrowalk, Pasig. Host si Angelica Yap aka Pastillas Girl. Guests ang all male group na Bae Alert at Brat Boys at ang all female group na The Fabulous Girlfriends. Tampok din ang X-Factor USA finalist na si Angel Bonilla.

Seventeen pairs na naggagandahan at nagguguwapuhang candidates ang maglaban-laban sa pinakamalaking bikini open-pageant. For ticket inquiries please call 09053595091.

Ang official female candidates ay sina * #ý1 Mae, ,  Malyn Estefan (Naga), #2 Mariss Vilchez (Makati), #3 Kate Pascual (Pateros), #4 Amica Vargas (Mandaluyong City), #5 Winchell Padlan (Manila), #6 Sharmaine Magdasoc (Pasig City), #7 Dimple Ortega (Laguna), #8 Sophia Lacson (Laguna), #9 Gladys Angel Payad (Pangasinan), #10 Katrina Lee Carcueva (Caloocan City), #11 Bianca Garcia (Cavite City), #12 Rufaida Babudin (Palawan), #13 Caelamae Mercado (Batangas) #14 Nestle Soriano (Marikina).

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …