Monday , December 23 2024

Angel Locsin muling sasabak sa pag-arte sa “The Third Party” ng Star Cinema

SIGURO naman ngayong binig-yan na si Angel Locsin ng malaking project ng Star Cinema na bibida ang actress sa sexy-drama movie na “The Third Party” kasama ang dalawang leading men na sina Zanjoe Marudo at Sam Milby, titigilan na ng fans and supporters ni Angel, ang ABS-CBN sa reklamo nilang napapabayaan na ng network ang kanilang idolo.

Unang-una ay wala sa ABS-CBN ang problema kundi kay Angel mismo na nagdesisyong mamahinga muna sa paggawa ng teleserye at movie dahil sa health problem. Nagpa-opera siya ng kaniyang spine sa ibang bansa.

Tungkol sa latest movie ng Kapamilya actress soon ay start na ang kanilang shooting at ang target showing nito ay sa Agosto o Oktubre.

Pagdating naman sa teleserye, wala pang desisyon si Ms. Locsin kung babalik na rin siya rito dahil gusto raw muna niyang mag-concentrate sa The Third Party.

Si Jason Lacsamana pala ang magdidirek ng film na ito.

This is another box office hit gyud!

***

Matapos umani ng mga papuri at libo-libong views ang Twitter-trending na teaser trailer nito online, malapit nang mapapanood sa ABS-CBN ang pinakabagong family drama na “The Greatest Love” upang ibahagi ang hindi malilimutang kuwento tungkol sa pambihirang pagmamahal ng ina para sa kanyang mga anak.

Talaga namang kinapitan ang trailer dahil sa nakagugulat at tagos-pusong twist nito: sa gitna ng pagtatalo ng mga anak, biglang nawala ang alaala ng inang si Gloria at hindi matandaang mga anak niya ang nasa harap niya.

Pangungunahan ito ng isang powerhouse cast na kinabibilangan ng mga batikang aktor na sina Sylvia Sanchez, Nonie Buencamino at Rommel Padilla, pati na sina Dimples Romana, Matt Evans, Arron Villaflor, at Andi Eigenmann.

Gagampanan ni Sylvia ang papel na Gloria, isang babaeng handang ibigay ang lahat para sa kanyang minamahal kahit na ang kapalit nito ay ang sarili niyang kaligayahan.

Bilang isang ina, ibinibigay ni Gloria ang lahat sa kanyang apat na anak: sina Amanda (Dimples), Andrei (Matt), Paeng (Arron), at Lizelle (Andi).

Ngunit magbabago ang lahat sa pagbubunyag ng isang malaking sikretong wawasak sa kanilang pamilya na itinago sa kanila sa loob ng maraming taon.

Kasabay ng pagkakawatak-watak ng kanyang mga anak ang unti-unti ring paglaho ng mga alaala ni Gloria dahil sa dementia. Ngunit bago mahuli ang lahat, kailangang labanan ni Gloria ang pagtatraydor ng kanyang gunita upang muling pagsama-samahin ang kanyang mga anak at ibalik ang dati nilang samahan.

Ang “The Greatest Love” ay sa ilalim ng direksiyon nina Dado Lumibao at Mervyn Brondial, at kinunan pa sa probinsya ng Quirino.

Ayon sa creative manager ng serye at legendary writer na si Ricky Lee, ang “The Greatest Love” ay hindi lamang tungkol sa kondisyon sa utak ni Gloria, kundi pati na rin sa maituturing na “dementia” ng kanyang mga anak. “Ang mga anak ni Gloria, kung tutuusin, may sakit din sila ng pagkalimot. Nakakalimutan nilang ang ina ay laging magiging isang ina. Kapag dumating na ang panahon na natalo ka sa buhay, tinalikuran ka ng mga tao, wala ka nang mapuntahan, merong isang tao na puwede mong balikan at tatanggapin ka maski na anong oras at panahon – at ‘yun ang ina mo,” pahayag niya. “Maraming mga anak ang merong ‘dementia.’ Nakakalimutan nila na mahal na mahal sila ng mga nanay nila –  mapagalitan man sila, magkahiwalay man sila. In the end, walang pagkaubos ang pagmamahal ng isang ina,” dagdag ni Ricky.

May pag-asa pa kayang mabuo ni Gloria ang kanyang pamilya? Maranasan pa ba niyang lumigaya sa piling ng mga taong kanyang minamahal? Mabubunyag pa kaya ni Gloria ang mga lihim na itinago niya sa kanyang puso sa loob ng maraming taon? Ngunit bago pa man makilala si Gloria bilang isang ina, matutunghayan ang kanyang natatanging kuwento ng pag-ibig.

Sa unang linggo ng serye, mapapanood ang dalagang Gloria (Ellen Adarna) na iibig sa bangkerong si Peter (Ejay Falcon) ngunit mapipilitang magpakasal sa musikerong si Andres (Junjun Quintana). Kasama rin sa cast sina Tonton Gutierrez, Alec Bovic, at Joshua Garcia. Dagdag-kinang din sa serye si Megastar Sharon Cuneta, na inawit ang opisyal na theme song nitong “The Greatest Love of All” kasama ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra. Ito ang kauna-unahang pagkakataong nag-record ang Megastar ng bagong bersiyon ng isang awitin para sa isang teleserye.

Abangan ang pagsisimula ng “The Greatest Love” malapit na sa ABS-CBN. Para sa updates, i-like anghttp://www.facebook.com/thegreatestlovetv.

BACK TO BACK – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *