Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drugs dead

Notoryus na AWOL patay sa drug ops

PATAY ang isang AWOL na pulis-Marikina, hinihinalang gunrunner, sangkot sa ilegal na droga at sangkot din sa pagpaslang sa dalawang pulis-Caloocan, makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Talipapa Police Station 3,  sa isinagawang drug operation sa Brgy. Pasong Tamo,Quezon City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat kay QCPD district director Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, mula kay Supt. Victor Pagulayan, hepe ng Talipapa PS 3, ang napatay ay si PO3 Cezar Obligacion, dating nakatalaga sa Marikina Police Station.

Si Obligacion ay namatay noon din dahil sa tama ng bala ng baril sa katawan.

Ayon kay Pagulayan, naganap ang insidente sa Dingle St., Napocor  Village, Brgy. Pasong Tamo, dakong 10:30 pm.

( ALMAR DANGUILAN )

1 PATAY SA BUY-BUST  SA LEYTE, 8 ARESTADO

TACLOBAN CITY- Patay ang isang drug suspect sa siyudad ng Ormoc nang manlaban sa mga awtoridad kamakalawa.

Sa buy-bust operation, bumunot ng baril at nagpaputok ng dalawang beses ang suspek na si Boien Chiong alyas “Boyen” sa Rizal St., ng nasabing syudad.

Agad gumanti ng putok ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Samantala, walo katao ang arestado sa magkahiwalay na buy-bust operation ng mga awtoridad sa probinsya ng Leyte.

DRUG PUSHER PATAY SA POLICE RAID SA CEBU

CEBU CITY – Agad binawian ng buhay ang isang hinihinalang notorious drug pusher at gun-for-hire rin nang manlaban sa mga pulis sa isinagawang operasyon sa Brgy. Tulay Minglanilla, Cebu kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PO1 Alden George Traya, desk officer ng Minglanilla Police Station, patuloy nilang bineripika ang katauhan ng suspek na nagpakilalang si Domingo Empleyo, Jr. at Rudy Gantuangco alyas Jonas sa mga kapitbahay na taga-Leyte.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nakatanggap sila ng impormasyon ukol sa pagbebenta ng ilegal na droga ng suspek kaya agad silang nagresponde.

Naaktuhan ng mga awtoridad na nagbebenta ng droga ang suspek ngunit agad nakatakas ang kasama nang mamamataan ang presensiya ng mga pulis.

Gayonman, nanatili si Jonas na armado ng fully loaded na baril KG9 baril.

Bubunot na sana ang suspek kaya inunahan ng mga pulis.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …