PINAG-IINGAT at hindi pinagbabawalan ng Palasyo ang Filipino fishermen na mangisda sa paligid ng Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.
Ito ang inihayag kahapon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella kasunod ng desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) na sakop ng 200-nautical mile exclusive economic zone ng Filipinas ang West Philippine Sea (WPS).
“We are still saying that fishermen are not prevented however they are cautioned to proceed with care. There is no statement preventing them specifically,” sabi ni Abella.
Napaulat na itinaboy ng Chinese Coast Guard ang mga mangingisdang Filipino kamakalawa nang umabot na malapit sa Scarborough Shoal.
Wala aniyang inililihim ang Malacañang sa isyu ng WPS sa katunayan ay maglalabas ng “initial statement” si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr. pagbalik sa bansa mula sa 11th Asia-Europe Meeting (ASEM) Summit sa Ulaanbaatar, Mongolia.
“We are not keeping cards close to our chest. We are really thinking through the right response. The initial statement should be sometime after DFA Sec. Yasay comes back from Mongolia,” pahayag ni Abella.
Kinompirmani Abella, tinanggihan ni dating Pangulong Fidel Ramos ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging sugo ng Filipinas sa bilateral talks sa China.
Ikinatuwiran ng dating Pangulo na matanda na siya para sa nasabing tungkulin na maaaring pagtuunan nang mahabang panahon.
( ROSE NOVENARIO )