EWAN ko kung may ibang nakapanood sa video ng dalawang magdyowang taga-showbiz. Nasa ibang bansa sila at mahilig silang kumain. Kinukunan nila ang mga pagkaing kanilang nilalantakan.
Si lalaki ang may hawak ng camera at siya na rin ang nagbo-voice over. Pero bakit boses bakla ang naririnig?
Yes, boses beki talaga si lalaki samantalang sa mga teleserye naman, lalaking-lalaki ang kanyang boses. Nagmo-modulate lang kaya siya pero in real life, boses ik-ik?
Gayunman, mukhang labs na labs naman siya ng GF niyang super ganda.
Itago na lang natin ang hunk na boses hunk na si Dalmacio Macario.
( Timmy Basil )