Saturday , November 16 2024

Misis patay sa sakal ni mister (Ayaw makipagbalikan)

PATAY ang isang  misis makaraan sakalin ng kanyang mister bunsod nang matinding galit nang tumangging makipagbalikan sa kanya kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Samelyn Gonzales, 34, vendor, residente ng Block 10, Lot 37, Phase 2, Area 3, Dagat-Dagatan, Brgy. Longos ng nasabing lungsod.

Habang pinaghahanap ng mga tauhan ng Malabon City Police ang suspek na si Esteban Gonzales, 38, at residente ng Gov. Pascual St., Wawa, Brgy. Tangos, Navotas City.

Sa imbestigasyon nina PO3 Alexander Dela Cruz at PO2 Roldan Angeles, dakong 7:40 p.m. nang matagpuan ng kanyang anak na si Esmila Gonzales ang wala nang buhay na ina sa loob ng kanilang bahay.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nakitang may marka nang pagkakasakal sa leeg ang biktima na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Napag-alaman, huling nakitang buhay ang biktima dakong 3:00 pm habang kausap ang suspek na pilit nakikipagbalikan sa kanyang misis.

 ( ROMMEL SALES )

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *