IKINATUWA ng Palasyo ang nabatid na may tiwala ang publiko sa mga desisyon at aksiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa simula pa lang ng kanyang administrasyon batay sa nakuha niyang excellent trust rating sa isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS).
“It’s a positive sign and very encouraging to know that the people trust the judgment, decisions and actions of the President,” pahayag ni Communications Secretary Martin Andanar.
Malinaw aniya ang mandato na hindi dapat itigil ng gobyerno ang mga nasimulan nang hakbang tungo sa pagbabago.
Base sa SWS survey noong Hunyo 24-27, 84 porsiyento ang nakuhang trust rating ni Pangulong Duterte habang 11 porsiyento ang nagsabing ‘little trust’ kaya ang kanyang net trust rating ay 79 porsiyento
Nakapagtala ng excellent rating si Duterte sa balance Luzon, Metro Manila, Visayas at Mindanao gayondin sa Class ABCDE.
Isinagawa ang face to face survey ng SWS sa 1,200 adult respondents sa buong bansa na mayroong margin of error na plus or minus 3.
( ROSE NOVENARIO )