NANAWAGAN ang administrasyong Duterte sa China na magpakahinahon kasunod nang desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) na nakabase sa The Hague, The Netherlands, na pagmamay-ari ng Filipinas ang mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS)
Nagdaos ng special cabinet meeting si Pangulong Rodrigo Duterte kahapon makaraan ilabas ng PCA ang desisyon na pumabor sa Filipinas.
“We call on those concerned to exercise restraint and sobriety,” pahayag ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr.
Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, pag-aaralan ni Solicitor General Jose Calida ang desisyon ng PCA at ibibigay kay Pangulong Duterte ang interpretasyon sa loob ng limang araw.
“We shall wait for Solgen’s interpretation of the ruling. The Solgen shall provide the President a synopsis of the ruling tomorrow morning and a complete and thorough interpretation in 5 days,” ani Andanar.
Ayon sa PCA, wala nang bisa ang nine-dash-line na ginamit na basehan ng China sa pag-angkin sa WPS dahil nabalewala na ito sa probisyon hinggil sa exclusive economic zone sa 1982 United Nations Convention on the Laws of the Sea (UNCLOS).
Kinilala ng PCA na pasok sa exclusive economic zone ng Filipinas ang mga kinakamkam na teritoryo ng China sa WPS.
Binigyang-diin ng PCA ang kanilang kapangyarihan na magpasya sa usapin kahit hindi lumahok ang China sa proceedings dahil kinilala ang kanilang hurisdiksyon sa isyu.
“Annex VII, however, provides that the, [a]bsence of a party or failure of a party to defend its case shall not constitute a bar to the proceedings. Annex VII also provides that, in the event that a party does not participate in the proceedings, a tribunal ‘must satisfy itself not only that it has jurisdiction over the dispute but also that the claim is well founded in fact and law.”
Samantala, nagbunyi ang gobyerno ng Filipinas sa pagkatig ng Permanent Court of Arbitration (PCA) sa reklamong inihain ng bansa laban sa China.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr., ang desisyon ng Tribunal ay pagpapatibay lamang ang international law.
Kabilang sa desiyon ng Arbitral Tribunal ay binabanggit na walang “historic rights” ang China sa ilang isla na sinakop sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Yasay, ‘welcome’ para sa Filipinas ang pag-award sa desisyon.
Ginawa ni Yasay ang pahayag sa DFA office sa Pasay City, ilang minuto lamang makaraan isapubliko ng PCA ang ruling sa The Hague sa Netherlands.
Hindi na nagbigay ng oras ang kalihim sa question and answer dahil may emergency meeting.
Narito ang kompletong statement ni Secretary Yasay:
“The Philippines welcomes the issuance today, 12 July 2016, of the Award by the Arbitral Tribunal constituted by the Permanent Court of Arbitration under Annex VII of the 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) on the arbitration proceedings initiated by the Philippines with regard to the South China Sea.
“Our experts are studying the Award with the care and thoroughness that this significant arbitral outcome deserves. In the meantime, we call on all those concerned to exercise restraint and sobriety.
“The Philippines strongly affirms its respect for this milestone decision as an important contribution to ongoing efforts in addressing disputes in the South China Sea. The decision upholds international law, particularly the 1982 UNCLOS.
“The Philippines reiterates its abiding commitment to efforts to pursue the peaceful resolution and management of disputes with a view to promoting and enhancing peace and stability in the region.”
( ROSE NOVENARIO )
DESISYON NG TRIBUNAL ‘DI TATANGGAPIN NG CHINA
BEIJING – Hindi tinatanggap at kinikilala ng China ang desisyon ng UN-backed tribunal sa argumento sa Filipinas kaugnay sa South China Sea, pahayag ng official Xinhua news agency kahapon.
Ang komento sa brief dispatch na hindi tinukoy ang pinagmulan, ay kasunod nang desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague, na ang China ay walang historic rights sa tinagurian nilang “nine-dash line.”
Nitong Martes, ibinasura ng mga hukom ng arbitration tribunal sa The Hague, ang pahayag ng China na sila ay may economic rights sa large swathes ng South China Sea, sa desisyong itinuturing na tagumpay para sa Filipinas.
“There was no legal basis for China to claim historic rights to resources within the sea areas falling within the nine-dash line,” ayon sa korte, tumutukoy sa ‘demarcation line’ sa 1947 map of the sea, na mayaman sa enerhiya, mineral at fishing resources.
Sa 497-page ruling, nabatid din ng mga hukom na nanganganib na mabangga ng Chinese law enforcement patrols ang Philippine fishing vessels sa ilang bahagi ng karagatan, at nagdulot ng mga pinsala sa coral reefs sa kanilang construction work. (Reuters)