Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kinita ng I Love You To Death, bongga

BONGGA pala ang kinita sa first day of showing ng I Love You To Death nina Kiray Celis at Enchong Dee dahil pareho lang pala sila ng Love Is Blind na parehong produced ng Regal Entertainment.

Kuwento sa amin, “nasa 140—15 theaters palabas noon ang ‘Love Is Blind’, samantalang itong ‘I Love You To Death’ ay nasa 50 theaters sa unang araw at nagdagdag naman ng 30 theaters sa ikatlong araw kaya abot na sa 80 theaters palabas ang pelikula nina Kiray at Enchong. Dami kasing nagbukas na foreign films.”

Halos 70 theaters ang lamang ng Love Is Blind sa I Love You To Death pero nagawa nitong huli na pantayan kaya puwedeng sabihing mas malakas ang ChongKi movie?

Isama pa ang ilang block-screening ng I Love You To Death at pawang full house raw kaya naman nagpapasalamat sina Kiray at Enchong sa fans na suportado sila.

Dagdag pa, “grabe, ang daming fans ni Enchong, nakatutuwa sila, sobrang love nila si Kiray.”

At heto pa, nasa mood si Mother Lily Monteverde dahil magkakasunod ang mga pelikula niyang ipinalalabas dahil pagkatapos ng I Love You To Death ngayong Hulyo ay pelikula naman ni Angeline Quinto sa Agosto kasama sina Billy Crawford, Kean Cipriano, Martin Escudero, at Eric Quizon na may titulong That Thing Called Tanga Na at ang Joseph Marco at Alex Gonzaga na si Emman de la Cruz ang direktor ng My Rebound Girl sa Setyembre.

Tatlong entry daw ang isinumite ng Regal Entertainment para sa 2016 Metro Manila Film Festival, ang Mano Po 7, Our Mighty Yaya, at Puwera Usog kaya waiting si Mother Lily kung ano ang mapipili.

Biro namin sa kausap namin na, ‘sana mapili ang tatlo’ at sinagot kami ng, ‘sana, tapos na ‘yung kay Ai Ai (de las Alas) na ‘Mighty Yaya’.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …