Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

AlDub movie daragsain ng fans sa mega manila at sa ibang probinsya (Imagine You & Me paborito ng mga bata)

SA loob lamang ng tatlong linggo ay humamig na agad ng 1,357,704 views at still counting sa Youtube ang music video ng first recorded song at MTV ni Maine Mendoza na “Imagine You & Me,” ang themesong at titulo rin ng launching movie ng ka-love team na si Alden Richards.

Hindi lang sa Youtube at Official Fan Page Facebook ng Eat Bulaga hit ang awitin ni Maine na siya mismo ang nag-compose kundi maging sa young ones ay instant favorite nila ang song ni Yaya Dub. In fairness memorize nila ang lyrics at paulit-ulit na kinakanta.

At bago pa ang showing ngayong araw ng Imagine You & Me sa more than 200 Cinemas nationwide, we heard na marami sa mga nanood kagabi ng red carpet premiere nito sa SM Megamall Cinema ay galing sa iba’t ibang probinsya na nag-effort bumiyahe nang malayo para sa iniidolo nilang phenomenal loveteam.

At ngayong palabas na ito, pangako ng ALDUB Nation ay pupunuin nila ang lahat ng sinehan sa Mega Manila. Naka-schedule na rin ang mahigit 50 block screening ng pelikula at bukod sa iba’t ibang bansa na paglalabasan ng international screening ng IYM ay mga bansa pa na interesado rin sa international screening nito.

Well sa ganda ng obrang ito na majority ng scenes ay ginawa sa Como, Italy, animo’y foreign film ang inyong pinanonood na ang hatid sa lahat ay  “KIT” o kilig, iyak at tawa.

Huwag nang magpatumpik-tumpik nood na gyud!

BORN FOR YOU NG ELNELLA NUMBER ONE TRENDING SA TWITTER AT FACEBOOK PANALO PA SA RATINGS

Last June 20, pilot episode palang ng “Born For You” ng ElNella loveteam nina Elmo Magalona at Janella Salvador ay pinag-usapan na sa social media at agad na nag-number one trending sa Twitter at Facebook na umabot sa 46,800 tweets.

Pagdating naman sa ratings game dahil parami nang parami bawat gabi ang viewers ng ElNella musical-drama series kaya’t laging panalo laban sa katapat na show na as of presstime ay 18.8% ang rating sa National at 21.3% naman sa Metro Manila.

Samantala sa kanilang latest episode, mukhang tinamaan na ng selos si Sam (Janella) kay Nina (Ysabel Ortega) na ex ng heartthrob singer at boss na si Kevin (Elmo).

Sa kanilang dance rehearsal, habang pinapanood sila ni Sam dahil may pagka-sexy ang sayaw ay hindi maiwasan na madalas magdikit ang katawan nina Kevin at Nina kaya sa gulat ng dalaga ay nanlaki talaga ang mga mata niya.

Naku, senyales na kaya ito ng posibleng pagbabalikan ng dalawa? Paano na si Sam na ka-red string pa naman ni Kevin dito sa Born For You.

Hala watch na lang kayo sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng Dolce Amore.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …