Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Ex-PCOO Chief Sonny Coloma huling-kabit sa overprinting ng tax stamps para sa sigarilyo/alak (Ombudsman decision binastos)

NAGPAALAM na pero hinahabol pa ng asunto.

Mukhang ganito ang kapalaran ni dating PCOO chief, Hermino “Sonny” Coloma Jr., matapos matuklasan ni kasalukuyang PCO chief, Secretary Martin Andanar na mayroong sobra-sobrang imprenta ng tax stamps para sa sigarilyo.

Itinanggi ito ni Kolokoy ‘este’ Coloma pero naniniwala tayo na ang mga tao ni Presidente Rodrigo “Digong” Duterte ay hindi nagsasalita nang walang basehan.

Lalo’t BIR pa mismo ang nagreport kay Secretary Andanar na mayroong over printing ng cigarette/alcohol tax stamps.

Unti-unti na bang lumalabas ang laman ng Pandora’s box ng PNoy administration!?

‘Yan kaya ang dahilan kung bakit hindi ipinatupad ni Kolokoy ‘este’ Coloma ang order ng Ombudsman na i-dismiss sina NPO Director Emmanuel Andaya at lima pang opisyal dahil sa grave misconduct sa pag-iimprenta ng foreign travel clearance forms ng National Bureau of Investigation?

Hindi ipinatupad ni Coloma ang order ng Ombudsman dahil naghain na umano ng motion for reconsideration ang mga sangkot na opisyal.

Ang interpretasyon yata ni Coloma sa batas, habang nakasalang daw ang motion for reconsideration ay maaaaring manatili sa tanggapan ang nasabing NPO officials batay umano sa ilang probisyon ng Republic Act 6770 o ‘yung Ombudsman Act of 1989.

071216 coloma pnoy

Pero, ayon sa Ombudsman, sinasabi sa Section 27 ng nasabing batas, “…all provisionary orders of the Office of the Ombudsman are immediately effective and executory.”

Sinasabi rin sa Rule III, Section 7 sa Rules of Procedure na: “…while decisions can be appealed, motions for reconsideration are not enough to stop implementation of the order.”

Aray!!!

Mukhang nagkakarugtong-rugtong rason ng mga aksiyon ni Kolokoy ‘este’ Coloma.

Kaya naman pala, maipilit kung maipilit ang kanyang desisyon.

Nadugtungan pa ‘yan ng pagpapa-imprenta ng election materials.

May issue rin na namorsiyento at sumandok nang milyon-milyong piso ang opisinang hawak ni Coloma noon?!

Sonabagan!!!

Ex-Secretary Sonny Kolokoy ‘este’ Coloma, nasa Philippines my Philippines ka pa ba?

Parang naririnig ko ang pamosong hagikhik ni Kolokoy sabay sabi, “Maghabol kayo sa tambol Mayor!”

Paging Madam Ombudsman!

PASAY CITY POLICE SUMABIT
SA PAGPAPASIKLAB KAY DUTERTE

071216 crime pasay

Mukhang sumobra ang epal at pagpapasiklab ng Pasay City police kay Pangulong Digong.

Kaya mula sa pagpapasiklab, sila naman ngayon ay masisibak.

Tinutukoy po natin dito ang pagkakapaslang sa mag-amang Bertis sa Pasay City.

Sila ‘yung user at pusher umano ng shabu na sabi ng kani-kanilang asawa ay susuko na pero dinampot at inaresto ng Pasay police saka ikinulong.

Nang hahatiran na ng pagkain kinatanghalian ng kanilang mga asawa, aba, nasa morgue na ng Pasay City General Hospital ang mag-ama at pareho nang dedbol.

Kung ‘yung tatay ay may nag-iisang tama ng bala sa ulo, ‘yung anak naman ay katakot-takot na bugbog at kulata ang inabot hanggang patayin.

Ang sabi ng mga pulis, nang-agaw umano ng baril.

Sonabagan!!!

Nakakulong na sa 4×4 sqm selda, nakapang-agaw pa ng baril ng pulis?

Mayroon bang alam na lihim ng Guadalupe ang mag-ama at gayon na lamang ang pagnanais ng Pasay police na ‘patahimikin’ sila?

Hindi pa resolbado ang naganap na pagkamatay ng party-goers sa MOA, ngayon naman ang kaduda-dudang pagkakapatay sa mag-amang pusher…

Anong lihim mayroon ang Pasay City police?!

Pakisagot nga Pasay PNP chief of Police S/Supt. NOLI BATAN na suplado sa media!!!

UTOL NG OPISYAL NG MPD
TULAK NG DROGA SA TONDO!

070316 MPD

Untouchable ang isang barangay kagawad  na tinuturong tulak ng shabu sa kanilang barangay dahil may utol na isang  opisyal sa Manila Police District.

Hinaing ng mga sumuko sa tanggapan ng isang opisyal ng Manila Police District, kung talagang seryoso ang opisyal, dapat niyang unahin sugpuin at disiplinahin ang kanyang kapatid na opisyal ng barangay sa Tondo, Maynila?!

Nabatid na minsan na palang nahuli ng isang Station Anti- Illegal Drug (SAID) pero nakalusot pa rin.

Lahat ng mga tulak ng shabu sa karatig barangay ay naipakulong na ng MPD official pero ang utol niya ay malaya pang nakapagbebenta ng illegal na droga.

Sonabagan!!!

Ilang beses na rin daw ini-report sa tanggapan ng Office of the Mayor. May record na rin sa PDEA at NBI pero nakalulutang pa rin sa pagtutulak?!

Ayon sa ating source, itong MPD official ang siyang sinasabing  “NINJA Godfather” sa PNP?!

CPNP Gen. Bato Dela Rosa, mukhang ikaw ang dapat kumastigo sa mag-utol na ‘to!

MAGTRABAHO NANG TAMA ANG COA

SIR JERRY, Kung magtatrabaho lang nang tama ang COA, napakaliit na lang siguro ang chances ng mga tiwaling gov’t officials. Madalas kasabwat ang auditors. Sa alin mang samahan o club ‘pag mahigpit at gumagawa nang tama ang auditor, ‘di mawawala ang pondo. More power po!

– Kasamang Dan [email protected]

TINIO AT GARBO MAY HAYBOL SA ALABANG?

KA JERRY, paimbestigahan sana ni General Bato ang info na may bahay sa Ayala Alabang sina Gen. Tinio at Gen. Garbo.

+639169233 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *