Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ariel, ‘di napapansin ang galing sa pag-arte

00 fact sheet reggeeNAKATSIKAHAN namin ang mga long time supporter ni Ariel Rivera na simula pa noong nadiskubre ngBackroom, Inc, ang aktor/singer ay naroon na sila.

Tinanong kami kung bakit hindi raw napapansin ang idolo nila pagdating sa pag-arte?  Bakit wala raw award na natatanggap o hindi man lang daw siya nano-nominate ng award giving body.

Hirit namin na hindi naman gumagawa ng pelikula si Ariel kaya paano siya mapapansin.

Sagot sa amin, ”bakit, may award-giving body naman para sa TV shows, ‘yung PMPC Star Awards for TV?”

Oo nga ‘no? Bakit nga ba hindi napapansin ng PMPC si Ariel eh, magaling naman siyang artista? Hayan, sa mga katotong miyembro ng nasabing award giving body, pakibigyan ng pansin ang hinaing ng supporters ni Ariel.

Oo nga naman puwede namang ma-nominate sa best supporting lalo na sa mga seryeng ginampanan niya tulad ng Doble Kara bilang adoptive father nina Kara at Sara na ginagampanan ni Julia Montes.

Anyway, tsugi na ang karakter ni Ariel sa Doble Kara bilang si Ishmael dahil inilagay na siya sa Born For You bilang asawa ni Ayen Munji-Laurel at ama at manager ni Elmo Magalona.

Ang mga award na natanggap ni Ariel in terms of acting ay Best New Male Artist- Awit Awards noong 199; Best Performance by a New Male Recording Artist- 1992; Best Supporting Actor – Bakit Labis Kitang Mahal, Metro Manila Film Festival, 1992; Music Video of the Year-Tunay Na Ligaya, 1997; Best Vocal Performance of the Year by a Duet/Group- I Don’t Love You Anymorewith Lea Salonga, 1999; Outstanding Lead Actor- Forever In My Heart, 2nd Golden Screen Awards, 2005 at Best Actor- Parola, Bahaghari Awards.

“Sana mapansin siya sa ‘Born For You’,” sabi sa amin.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …