Friday , November 15 2024

Anti-drug ops nais siraan ni De Lima — Palasyo (Sa ipinatawag na Senate probe)

NAIS siraan ni Sen. Leila de Lima ang operasyon ng Philippine National Police (PNP) laban sa ilegal na droga kaya pinaiimbestigahan sa Senado ang serye nang pagpatay sa mga drug pusher.

Sinabi ni Atty. Salvador Panelo, bagama’t karapatan ng Senado na mag-imbestiga ay walang basehan ang hirit na Senate probe ni De Lima kundi espekulasyon lang lalo’t hindi nagsusulong ng imbestigasyon ang Human Rights Commission sa sunod-sunod na pagpaslang sa mga drug pusher.

“I don’t hear any investigation coming from human rights commission, any attempt therefore to conduct a senate investigation by any member especially of that particular senator who wants to conduct the investigation may be viewed as attempt to discredit the police operations against the drug menace,” ani Panelo.

Ang protocol aniya, ang pulisya ang kagya’t na nagsasagawa ng imbestigasyon kapag may napapatay na sibilyan sa proseso nang pag-aresto.

Nitong Huwebes, naghain si Sen. Leila de Lima ng resolusyon sa Senado para imbestigahan ang sunod-sunod na pagpaslang sa mga sangkot sa ilegal na droga.

Tiniyak ni Solicitor General Jose Calida sa PNP na ipagtatanggol niya ang mga pulis sa Congressional inquiry hinggil sa pagpatay sa drug suspects kaya wala silang dapat ikatakot.

Buwelta ni Calida kay De Lima, nang kalihim pa ang senadora ng Department of Justice ay nabigong sawatain ang paglaganap ng illegal drugs sa bakuran niya, ang New Bilibid Prison (NBP).

“If she truly is sincere to stop this drug menace, let us ask her. What did she do as justice secretary in charge of the NBI, the prosecution service and the Correctional? Hindi po ito investigation in aid of legislation. To me I think it is investigation in aid of media mileage,” sabi ni Calida.

( ROSE NOVENARIO )

SENATE PROBE NI DE LIMA IPINABOBOYKOT NI OSG CALIDA

WALANG balak padaluhin ni Solicitor General Jose Calida ang sino mang opisyal ng PNP kaugnay sa ikinakasang imbestigasyon ni Senator Leila De Lima hinggil sa araw- araw na pagpatay sa mga drug suspect.

Binigyang-diin ni Calida sa kanyang pagtungo sa Camp Crame, kung lalabas na ‘in aid of media mileage’ lang ang gagawing imbestigasyon ng senadora ay mas maiging huwag na lang itong siputin ng PNP.

Kailangan aniyang maabot ng senadora ang criteria upang mapatunayang “in aid of legislation” ang pakay sa gagawing pag-iimbestiga.

Pinayuhan ni Calida ang hanay ng pulisya na huwag matakot at ituloy lang ang trabaho at ang tanggapan ang magsisilbing tagapagtanggol ng mga awtoridad.

Akusasyon ng SolGen
OPERASYON NG DROGA LALONG LUMAKAS SA PANAHON NI DE LIMA

HINDI naitago ni Solicitor General Jose Calida ang galit kay Sen. Leila de Lima na naghain ng resolusyon upang imbestigahan ang PNP kaugnay sa mga serye ng summary killings, sinasabing may kaugnayan sa anti-illegal drug campaign ng PNP.

Pahayag ni Calida, walang ginawa si De Lima laban sa droga nang siya pa ang kalihim ng Department of Justice (DOJ) sa loob ng anim taon.

Sinabi ni Calida, sa panahon ni De Lima ay lalo pang lumakas ang operasyon ng drug lords sa National Bilibid Prison (NBP), na tinaguriang “Bilibid 19.”

Ito’y sa kabila na nasa kanyang kontrol ang NBI, Prosecution service at ang Bureau of Correction.

Pagbibigay-diin ni Calida, hindi ‘in aid of legislation’ ang gagawing imbestigasyon ng Senado kundi ‘in aid of media mileage’ upang ipahiya ang Duterte administration.

WALANG SHABU LAB SA BILIBID — DE LIMA

KINONTRA ni Sen. Leila de Lima ang pahayag ng administrasyong Duterte na mayroong shabu laboratory sa loob mismo ng New Bilibid Prison (NBP).

Tinawag ng senadora na “disinformation” ang naturang pahayag dahil nang siya pa aniya ang kalihim ng Department of Justice ay siya ang unang nagpatupad ng raid noong Disyembre 15, 2014 upang hanapin ang drug laboratory.

Una rito, inihayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, kabilang sa mga supplier ng droga sa bansa ay nagmula mismo sa loob ng Bilibid at doon pa mismo niluluto ang shabu.

Ngunit buwelta ni De lima, imposibleng mangyari ito nang hindi nalalaman ng prison officials.

Kung tutuusin daw, nagpatupad siya ng “Oplan Galugad” nang sunod-sunod upang i-raid ang loob ng Bilibid makaraan makatanggap ng intelligence reports sa kaugnay na transaksiyon ng drugs lords.

Ngunit sa kabila nito, wala aniya silang nakitang shabu lab.

Ang tinaguriang Bilibib 19 ay pinalipat umano niya pansamantala noon sa NBI detention facility habang pinagagawa ang secured na kulungan na building number 14.

Kamakailan, kabilang sa Bilibid 19 na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na drugs lord ay sina Peter Lim alyas Jaguar at Herbert Colangco na iniugnay rin sa Kuratong Baleleng group.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *