Friday , November 15 2024
workers accident

5 laborer sugatan sa bumagsak na scaffolding

KALIBO, Aklan – Limang construction workers ang sugatan nang bumagsak ang isang scaffolding sa underconstruction na school building sa loob ng compound ng Kalibo Integrated Special Education Center (KISEC) sa F. Quimpo St., Kalibo, Aklan kamakalawa.

Agad isinugod sa Aklan Provincial Hospital ang mga biktimang nabalian ng buto na sina Anthony Nervar, 41; Ronel Manganpo, 26; at Christian Libre, 25-anyos.

Samantala, outpatient lamang sina Michael Montalbo, 30, at Virgilio Teodosio, 29-anyos.

Base sa report, siyam trabahador ang nakatungtong sa platform na gawa sa coco lumber upang iakyat ang isang cement mixer papuntang third floor nang ginagawang gusali.

Bumagsak ang scaffolding at masuwerteng nakatalon agad ang ibang mga trabahador.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *