NAGA CITY – Patay ang isang 4-anyos babaeng paslit makaraan mabundol ng isang kotse sa bayan ng Lucban sa lalawigan ng Quezon kamakalawa.
Kinilala ang biktimang si Aimee Diaz ng nasabing bayan.
Ayon sa ulat ng pulisya, ang biktima ay nabundol ng kotseng minamaneho ni Jordan Taiño, 33, isang OFW, sa Brgy. Samil ng nasabing lugar.
Agad itinakbo sa ospital ang biktima ngunit hindi na naisalba ng mga doktor.
Sa ngayon, nasa ospital pa rin ang suspek na patuloy pang ginagamot ng mga doktor dahil sa pinsala sa kanyang katawan bunsod ng insidente.