Friday , November 15 2024

Minolestiya si Nene obrero kalaboso

BAGSAK sa kulungan ang isang construction worker makaraan ireklamo ng pangmomolestiya ng isang 10-anyos batang babae kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Kinilala ni Insp. Rosalitty Avila, hepe ng Womens and Children’s Protection Desk  ng Malabon City Police, ang suspek na si Melo Araña, 27, ng 138 Narra St., Bagong Barrio, Caloocan City, nakapiit na sa detetntion cell ng Malabon City Police.

Base sa pahayag sa pulisya ng biktimang itinago sa pangalang  Rens, Grade 5 pupil, dakong 6 a.m. naglalakad siya sa Bagong Lote St., Brgy. Potrero patungo sa kanilang eskwelahan nang makasalubong niya ang suspek.

Nagulat ang biktima nang biglang hinawakan ng suspek ang kanyang bag at dinakma ang kanyang pagkababae.

Sa takot ng bata ay napatakbo siya at mabilis na nagsumbong sa kanyang guro.

Sinamahan ng kanyang guro ang biktima sa himpilan ng pulisya upang humingi ng tulong at sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis, nasakote ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong acts of lasciviousness in relation to RA 7610 (Child Abuse) sa piskalya ng Malabon City.

( ROMMEL SALES )

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *