HETO na naman.
Nagiging hadlang na naman ang Juvenile Act ni Mega-Senator Kiko Pangilinan…
Ngayon iminungkahi ni incoming Speaker of the House, Rep. Pantaleon Alvarez na pababain sa edad 9-anyos ang mga menor-de-edad na dapat sampahan ng kaso, narinig na naman natin ang boses ni Sen. Kiko.
Huwag daw tingnan sa edad.
Sukatin daw ang bigat ng kasong kinasasangkutan.
Sa totoo lang, ‘yang Juvenile Act ni Sen. Kiko ang isa sa mga dahilan kung bakit lalong napariwara ang mga menor-de-edad at lalong nabaon sa kriminalidad.
Ngayon humihirit na naman.
Kaya hindi tayo nagsisisi na hindi natin ibinoto si Mega-Senator, dahil hindi pa namin nalilimutan ang sunod-sunod na delubyong sinapit ng mga kabataan sa batas na ‘yan ni Kiko.

Noon, inakala pa natin na malaki ang maitutulong ng nasabing batas sa mga delingkuwenteng kabataan…
Pero lalo lang palang nagkadeli-delingkuwente ang buhay ng mga kabataan.
Senator Kiko, sana naman ay magkaroon ka ng rektipikasyon sa pagkakamaling ‘yan.
Kung hindi mo matanggap na malaki ang iyonng pagkakamali sa batas na ‘yan, puwede bang tasahin ulit nang mapagtanto naman…
Hindi naman kahinaan ang pag-amin sa kahinaan. Puwedeng maganda talaga ang layunin nang buuin ang batas na ‘yan.
Pero nang ipatupad ‘e hindi ganoon ang nagging resulta.
Ngayon, Mr. Senator, nakahanda ka na bang i-rectify ang batas na ‘yan?!
Sana naman!
ILLEGAL CHINESE ALIEN DAPAT NANG
SUDSURIN SA KAMPANYA VS ILLEGAL DRUGS

HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com