Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mother Lily, abot tenga ang ngiti dahil sa lakas ng I Love You To Death

00 fact sheet reggeeWINNER talaga si Kiray Celis bilang Comedy Princess dahil maski na palabas lang as of now sa 50 sinehan ang I Love You To Death ay hanggang tenga naman ang ngiti ng Regal Matriarch na si Mother Lily Monteverde minus Roselle na kasalukuyang nasa Paris, France.

Kaya 50 theaters lang ay dahil maraming kasabay na foreign films na siyempre inunang pagbigyan ng theater owners dahil feeling nila malakas, at ‘yung ibang pelikula ay nag-extend din.

Ang nakapagpasayang lalo kay Mother Lily ay nagpapadagdag ng sinehan ang ilang malls at sa probinsiya na rin para sa I Love You To Death.

Hindi kami binigyan ng figures sa 1st day ng I Love You To Death dahil wala si Roselle na siyang allowed magbanggit.

Kaya ang next movie ni Kiray ay kasama ang Pasion de Amor boys.

‘Yun lang, hindi pa maumpisahan ang shooting dahil,  “hindi maumpisahan kasi busy lahat ang Pasion boys, like si Joseph (Marco), busy sa movie nila ni Alex Gonzaga, si Jake (Cuenca), may ginagawa rin, same with Ejay (Falcon). Kaya waiting si Kiray sa kanila,” say ng aming source.

Buti na lang may raket din si Kiray habang hinihintay kung kailan open na ang schedules ng mga leading man niya.

Ikaw na talaga Kiray, sobrang ganda mo!

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …