Friday , November 15 2024

Marami pang bugok na pulis

MARAMI pang bugok na pulis ang sangkot sa ilegal na droga at iba’t ibang kagaguhan.

Sa ngayon ay mahigpit silang minamanmanan ni Pres. Rodrigo Duterte at ng mismong Philippine National Police (PNP) sa pamumuno ni Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Tatanggalan sila ng maskara ng Pangulo sa tamang panahon.

Nauna lang ang pagbubunyag ni Duterte sa mga pangalan nina retired Dep. Dir. Gen. Marcelo Garbo Jr., retired Chief Supt. Vicente Loot, dating NCRPO Dir. Joel Pagdilao, at Chief Supts. Bernardo Diaz at Edgardo Tinio na sangkot umano sa bawal na droga.

Tahasang itinanggi ng limang opisyal na may kaugnayan sila sa droga at mali raw ang nakuhang impormasyon ng Pangulo. Gano’n pa man ay sisiyasatin ng National Police Commission at Dep’t of Interior and Local Government (DILG) ang mga alegasyon laban sa kanila.

Maaalalang nauna rito ay kung ilang ulit nagbabala si Duterte sa tatlong matataas na opisyal ng PNP na protektor daw ng ilegal na droga. Bagama’t hindi pinangalanan ni Digong ay pinayuhan niyang magbitiw na lang sila, at huwag nang hintaying mapahiya kapag ibinunyag niya kung sino-sino sila.

Pero hindi maitatanggi na ang lahat ay nagulat nang ilantad ni Duterte na sina Pagdilao, Diaz at Tinio pala ang tatlong aktibong heneral na kanyang tinukoy.

Sa totoo lang, ang pagkakaugnay ng mga pulis sa droga ay naging malinaw nang mahuli ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) si PO2 Jolly Aliangan ng NCRPO-Regional Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force noong isang buwan.

Natiklo ang damuho sa loob ng kanyang bahay na magarbo at kompleto sa gamit.

Mantakin ninyong nakakompiska ang mga awtoridad ng maraming shabu at P7 milyon cash nang salakayin ang kanyang bahay. Sa madaling salita ay hindi basta-bastang gumagamit o nagtutulak ng shabu. Bigatin at malakihan kung makipagtransaksiyon.

Nauna nang sinabi ng mga awtoridad na mahigit 100 opisyal ng PNP at mga pinaghihinalaang drug lord ang kanilang na-monitor na madalas mag-usap kaugnay ng transaksiyon nila sa shabu na nagkakahalaga ng milyon-milyong piso.

May mga ranggong senior superintendent o superintendent ang madalas daw makipag-usap sa mga pusakal, na nagbebenta ng droga nang personal o sa pamamagitan ng cell phones.

Ang lahat ng paglilinis sa lipunan na ipatutupad ni Duterte ay ating sinusuportahan. Dahil isa siyang abogado na naging piskal at kinalaunan ay alkalde sa loob ng maraming taon ay tiyak na alam niya ang kanyang ginagawa.

Mabigat ang akusasyon ni Duterte sa limang pulis. Upang matigil ang pagdurusa ng marami sa mga alegasyon ni Digong, mga mare at pare ko, ay dapat mapatunayan ng Pangulo na may hawak siyang konkretong ebidensiya at hindi umasa sa intelligence reports lamang.

Pakinggan!

***

TEXT 0905-6767673 para sa inyong mga sumbong, puna at reklamo.

BULL’S EYE – Ruther Batuigas

About Ruther D. Batuigas

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *