Sunday , May 4 2025

Kidnapping, gun for hire tutukan — Duterte

NGAYONG puspusan ang kampanya ng administrasyong Duterte kontra-illegal na droga ay siguradong tataas ang kidnapping at gun for hire cases kaya inatasan niya ang pulisya na tutukan din ito.

“I’m sure as the drug problem would go down, then you expect the criminality of gun for hire, and kidnapping will also rise. It just never ends,” sabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa sa press briefing sa Palasyo.

Sinisi ni Pangulong  Duterte, ‘mabait’ ang lipunan at ang umiiral na batas sa bansa kaya malayang namamayagpag ang mga sindikatong kriminal na hindi uubra sa mga pasistang estado.

Sinabi niya, sa Filipinas ay hindi pinahihintulutan ng batas na basta na lang sitahin ang isang sibilyan, tanungin at bulatlatin ang kanyang mga gamit.

“You know, for as long as we have a society or as long there are laws here that allows men to do this freely, they can do it because we do not — this is not a fascist state. This is not a state where you can just stop a civilian and search this person and ask question. That is not allowed under the law, our laws,” aniya.

“Kaya nagkakaroon tayo ng problema na ganoon. In autocratic countries, mahirap. Talagang… Tapos doon may death penalty, dito wala. So ‘yan ang… That is really the meat of the problem,” dagdag niya.

Inutasan din niya ang Philippine National Police (PNP) na pag-aralan  ang mga dokumentong ibinigay niya kay PNP chief Director General Ronald  dela Rosa.

Partikular ang mga lumutang na mga pangalan sa organizational structure na nakalagay sa cartolina, ng mga personalidad na sangkot sa droga o persons of interest.

Magugunitang level five lamang ang inilabas ni Duterte sa media ngunit nakasaad din sa chart ang ilang mga opisyal ng PNP, Bureau of Jail Management ang Penology (BJMP), lokal na opisyal na karamihan ay alkalde at iba pa.

Nais ng Pangulo na kumuha pa ng kompirmasyon para mas maging matibay ang mga kasong isasampa laban sa hindi pa pinangangalanang mga personalidad. ( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

3RDEY3 AI

Prediction ng AI: Abby Binay, puwedeng malaglag sa Magic 12

KUNG pagbabatayan ang pag-aanalisa ng artificial intelligence ng 3RDEY3 (@3RD_AI_) na naka-post sa X, may …

Comelec Vote Buying

2 kapitan umangal sa vote buying vs Cong sa Aklan

IBINULGAR ng dalawang barangay chairman na nagsampa ng disqualification case laban kay Aklan 2nd District …

Move it

TWG sa Move It: Itigil operasyon sa Cebu at CdO

PINATAWAN ng Motorcycle Taxi Technical Working Group (MC Taxi TWG) ng parusa ang Move It …

Sulong Malabon

Sulong Malabon movement todo suporta sa kandidatura ni mayor Jaye Lacson-Noel at congressman Lenlen Oreta

TAHASANG nagpahayag ng suporta ang multi-sectoral movement na Sulong Malabon sa tambalan nina Congresswoman Jaye …

Comelec Money Pangasinan 6th District

Sa Distrito 6 ng Pangasinan
Rep. Marlyn Primicias-Agabas nagreklamo sa COMELEC at PNP vs malawakang vote buying

NAGHAIN ng dalawang magkahiwalay na liham si Representative Marlyn Primicias-Agabas ng Distrito 6 ng Pangasinan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *