Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cardo, igugupo raw ng 4 na Sangre (Dahil ‘di kinaya ni Poor Senyorita)

00 fact sheet reggeeTALAGANG naging ‘poor’ ang Poor Senyorita na itinapat ng GMA 7 sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin in terms of ratings game dahil hindi man lang nangalahati sa itinalang rating ng programa ng Dos na umabot sa 44% kamakailan.

Kaya ngayon ay apat na Sangre ang itatapat sa probinsyanong si Cardo, yes Ateng Maricris, ang  Encantadia  ang ipangtatapat ng GMA 7 sa programang kinabibilangan nina Mac Mac at Onyok, plus Benny.

Ayon pa sa kausap naming taga-GMA, handa naman daw nilang tapatan ang Ang Probinsyano dahil naniniwala silang tatangkilikin ito ng mga dating sumubaybay sa unang Encantadia.

Hirit nga namin sa taga-Siete na nakailang programa na sila at halos lahat ay nakakuha ng poor ratings at hindi kinayang talunin ang 46%, 44%, at 42% over-all ratings ng aksiyon serye nina Coco, Pepe Herrera, Maja Salvador, Arjo Atayde, John Prats, Marc Solis, at Ms. Susan Roces.

Anyway, hindi na kailangan pang magyabang ng Ang Probinsyano dahil tiyak na alam ito ng GMA na nag-aagawan ang advertisers sa nasabing serye ni Coco kesehodang tumaas ang ad rates.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …