NAHAHARAP sa banta ng terorismo mula sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang lungsod ng Davao.
Ito ang isiniwalat kahapon ni Davao City acting Mayor Paolo Duterte.
Ayon kay Duterte, kanila nang pinaigting ang kanilang intelligence monitoring upang berepikahin ang nasabing ulat.
Inatasan na rin ni Duterte ang Task Force Davao at Davao City Police Office na higpitan ang ipinatutupad na seguridad sa lungsod.
Kaugnay nito, inabisohan ni Duterte ang publiko na manatiling kalmado ngunit nakaalerto.