Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Darren espanto, pang-international ang galing

SUMASALI palang noon sa The Voice Kids si Darren Espanto ay bininyagan na kaagad siya bilang Total Performer hanggang sa naging ganap na recording artist. ‘Di lang mga Pinoy ang humanga kay Darren, pati foreigners.

In fact, may mga reaction videos ang ilang foreigners tungkol sa kakaibang taas ng boses ni Espanto lalo na nang mag-guest  ito sa Wish FM station na mayroong pakulo sa isang mobile bus na  kumakanta ang guests.

Kinanta ni Darren ang Chandellier ni Sia at namangha ang mga foreigner dahil kuhang-kuha ni Darren kahit ang pinakamataas na nota  at may part pa na mas lalong tinaasan ng batang singer

Pero mas lalo sigurong mamamangha ang mga foreigner sa latest video ni Darren dahil kinanta niya ang bagong kinababaliwan ng mga kabataan, ang Secret Love Song na kinanta ng Little Mix featuring Jason Derulo. Kinanta ito ni Darren sa isang Kapamilya live event.

For sure, mas maraming foriegners na naman ang magre-react at pupuri sa kakaibang range ni Darren.

Gustong-gusto ko rin ‘yung guesting ni Darren sa Myx. Nag-disguise siya at kumanta sa videoke sa isang mall. Noong una ay dinadaan-daanan lang siya ng mga tao kahit na ang ganda-ganda ng kanyang boses.

Hindi talaga siya nahalata pero nang tanggalin niya ang kanyang wig at eye glass, ayun, namroblema na ang mga security guard sa pag-control ng crowd.

Kamakailan ay nagkaroon ng first major concert si Darren at doon ipinamalas ang ganda at taas ng boses. Gustong-gusto ko ang version niya ng 7 Years ni Lukas Graham.

Pero sa totoo lang, contestants palang ng The Voice Kids si Darren ay humanga na ako sa kanya. Pang international kasi ang kanyang dating. ‘Yun bang tipong hindi mo na kailangang turuan dahil parang alam na niya lahat pati pagpe-perform.

Humanga rin ako kay Darren ng todo nang kantahin niya ang Tell The World of His Love during the Papal Visit sa UST although hindi na-pokus kay Darren ang kamera pero ang galing-galing niya.

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …