Saturday , November 23 2024

2 pulis ninja ng QCPD-DAID

MARAMI ang mga natuwa at tila naibsan ng tinik sa dibdib lalo na ang mga magulang at kamag-anak ng ilang biktima ng hulidap na dalawang pulis na nagpakilalang kagawad ng Quezon City Police District – District Anti-Illegal Drugs (QCPD-DAID).

Lalo na nang mabalitaan nila, sa 35 pulis na ipinadala ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa Mindanao, karamihan ay mula sa QCPD-DAID.

Pero gusto rin nilang matiyak kung sina PO3 Joel Almazan at PO3 Jobert Garcia na kapwa kagawad ng QCPD-DAID ay kasama ba sa mga itinapon at ipinadala sa Mindanao?!

Ayon po sa mga magulang na lumapit sa inyong lingkod, ang anak nila ay na-frame-up ng mga pulis na sina Almazan at Garcia.

Hinihingian ng dalawang pulis na sina Almazan at Garcia ng P3 milyon para pawalan daw siya at wala nang kasong isasampa.

Mantakin ninyo P3 milyones!

Nang hindi sila makapagbigay, aba, grabeng pahirap ang inabot ng kanilang kamaganak.

At tinatakot pa umano na kahit sinong padrino ay hindi makalalabas ang anak nila.

Isang gabi umano, dumating si Garcia sa Camp Karingal na lasing na lasing at biglang lumapit sa anak nilang natutulog sa folding bed.

Aba, biglang ginising ang anak nila para kunin ang higaan at saka pinahiga sa baldosa.

Ganyan katindi ‘yang sina Almazan at Garcia.

Kaya kung ‘yang dalawang ‘yan ay maitatapon sa Mindanao, aba, malaking kabawasan sila sa mga salot sa lipunan.

Nabatid din ng mag-asawa na hindi lang ang anak nila ang biktima nina Almazan at Garcia, marami pang iba lalo na kapag alam nilang ‘mayaman’ o makuwarta ang kanilang biktima.

PNP chief, DG Bato Dela Rosa, puwede bang pakiimbestigahan o pakikompirma po ninyo kung ‘yang dalawang (Almazan & Garcia) ‘yan ay naipadala na sa Minadanao?!

Isalang din agad sa lifestyle check ang dalawang pulis na ‘yan!

Kung naipadala na sila sa Mindanao, aba, malaking kabawasan po sila sa mga salot sa lipunan dito sa Metro Manila.

Isunod na pong lahat ang mga adik sa Metro Manila!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *