Monday , December 23 2024

Duterte nag-flying kiss sa media (Peace-offering?)

SA isang flying kiss kaya nagtapos ang self-imposed media boycott ni Pangulong Rodrigo Duterte?

Napuna kamakalawa na pinansin ni Pangulong Duterte ang grupo ng Malacañang reporters sa pagdiriwang ng ika-69  anibersaryo ng Philippine Air Force (PAF) sa Clark, Pampanga.

Tinawag ng Malacañang reporters ang pansin ni Pangulong Duterte habang nakasakay sa white carabao jeep sa ‘trooping the line’ ng Airmen at sinigawan nila ng “Hello sir!” at tumugon ang pangulo ng isang “flying kiss.”

Magugunitang nagpatupad ng media boycott si Duterte bilang tugon sa naunang panawagan ng Reporters Without Borders sa Filipino mediamen na i-boykot si Duterte nang ihayag na karamihan sa napapaslang na mga mamamahayag sa bansa ay mga “corrupt at biased.”

Mula noon ay hindi na nagpaunlak ng ano mang panayam si Duterte sa media na nagbabantay sa kanya habang president-elect pa sa Davao City.

Nang manumpa at maupong ika-16 pangulo noong 30 Hunyo ay hindi pinayagan ang private media na mag-cover sa kanya sa Malacañang bagkus ang pinayagan lamang ay state-run na PTV 4 at RTVM.

Samantala, umaasa si Communications  Secretary Martin Andanar na magbabago ang pakikitungo ni Pangulong Duterte sa media sa tamang panahon upang magkaroon muli nang magandang relasyon ang chief executive sa mga mamamahayag.

( ROSE NOVENARIO )

BAHAY PANGARAP OFFICIAL RESIDENCE NG PANGULO

ANG Bahay Pangarap, ang magiging official residence ni Pangulong Rodrigo Duterte hanggang matapos ang kanyang termino sa 2022.

Sa susunod na linggo ay lilipat na si Duterte sa Bahay Pangarap, ayon kay Special Assistant to the President Cristopher “Bong” Go.

Ang Bahay Pangarap ay nasa loob ng Presidential Security Group (PSG) compound sa Otis St., Paco, Maynila na Ilog Pasig lang ang pagitan sa Malacañang.

Ipinagawa ito para maging official residence ni dating Pangulong Benigno Aquino III noong 2010 dahil bilang soltero ay masyado raw malaki ang Malacañang para sa kanya.

Tulad ni Aquino, si Duterte ay single din dahil napawalang bisa na ang kasal sa asawang si Elizabeth Zimmerman noong 2001 ngunit magkasama sila sa bahay ng common-law wife na si Honeylet Avancena at 12-anyos nilang anak sa Davao City.

Nauna nang sinabi ni Duterte, kahit Pangulo na ay araw-araw siyang uuwi sa Davao City dahil ang siyudad ang itinuturing niyang “comfort zone.”

Mula nang magwagi sa presidential elections ay naging pansamantalang tanggapan ni Duterte ang Presidential Guest House sa loob ng seaside compound sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Panacan na tinawag ng media bilang “Panacañang” o “Malacañang of the South.

Mula nang kanyang proklamasyon noong Hunyo 30 ay sa hotel lamang tumutuloy si Duterte kapag nasa Maynila.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *